Chapter 30

34.3K 627 140
                                    

Chapter 30

"Hello! Engineering Team? May sirang plug dito sa gilid malapit sa Shirt Printing Area, you need to fix this asap." sabi ko sa maliit na itim na bagay na nakakabit sa tainga ko.

It's already 2 p.m.

Nagsimula na ang event.

Narito kami ngayon sa Ellucent Hall for Indigo Natural Dyeing. Nag-volunteer ako na tumulong sa pagaasikaso, kaya tinali ko sa bun ang buhok ko para makagalaw ako ng maayos at para na rin walang haharang sa mukha ko. Nakasuot ako ngayon ng black pencil-cut skirt, black coat, and white button-down dress shirt sa loob.

Kanina pa pumasok ang mga tao dito sa venue, maging ang mga special guests ay naglilibot na sa mga exhibits. Nag-iikot-ikot ako sa loob nitong Hall para masiguro kung okay ba ang lahat. Ganoon rin naman sina Patricia at Sophia kaya hindi kami magkakasama ngayon.

"Hoy Thalia! Bakit tumutulong ka? Wala na sa trabaho mo 'yan, ah?" sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae kaya naglinga-linga ako at nakita si Zy na papalapit na sa direksyon ko ngayon.

"Hala!" I covered my mouth with my hands, amazed. "Bakit ang ganda mo senyora?!" I said in shock.

I stared at Zy, who's wearing a burgundy-line knee-sleeveless dress and black pointed-toe heels. She's also holding a small black handbag.

"Loka-loka ka talaga! Hindi nga! Ba't ginagawa mo 'yan?" tanong niya.

"Wala lang ... For experience ganoon. First time ko sa company na 'to. Gusto ko lang i-try." I answered then smiled like a child.

"Sabagay, ganiyan din ako noong bago ako rito. Tumigil ka na kaya diyan. Magpalit ka na ng damit tapos samahan mo akong mag-ikot." She muttered excitedly.

I rolled my eyes. "Alam mo malaki ka na! Hindi mo na ako kailangan pa para lang mag-ikot sa exhibit dito," tumawa ako. Nakipag-asaran pa siya sa akin ng ilang minuto bago siya naglakad papasok para mag-ikot.

Nagpatuloy na ako sa pagsuri sa buong hall, pinulot ko ang nagkalat na bote ng tubig pati ang empty bottle ng soft drinks na nakakalat sa sahig. Kaagad naman na may lumapit sakin na isang lalaki at kinuha iyon sa kamay ko.

"Ako na po, ma'am." nakangiting saad niya. Binigay ko iyon sa kanya at ngumiti pabalik. Bumalik na rin siya doon sa food stall na binabantayan niya. Isa siguro siya sa staffs ng sponsors ng company para sa event.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at pinunasan ang noo gamit ang braso ko. Nakakapagod! Grabe!

Naisipan kong lumabas muna sa hall para magpahangin at para na rin makatakas sa ingay.

Naglalakad ako palabas ng hall nang may biglang pumukaw ng atensiyon ko. Napakunot ang noo ko matapos ko siyang makitang naglalakad papasok kaya dali-dali akong lumapit para tawagin ang boss ko.

"Mr. Velasquez!" Mahinang tawag ko para walang makarinig sa akin. Mahirap na at baka marinig pa ng ibang tao na narito siya ngayon, lalong-lalo na ang press. Paniguradong pagpipyestahan siya. That would be a big problem.

And when he noticed that I was the one who had called him, his face lightened up, and he hurriedly walked towards me.

He was wearing a white button-down dress shirt na naka tucked in sa black pants niya na may designer belt. Bukas rin ang isang butones ng damit niya. Nasa loob ng kanyang bulsa ang kanyang mga kamay.

He dressed so simple today but why is he still so enticing?

"Akala ko ba hindi ka pupunta?" tanong ko habang lumilinga-linga.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon