Chapter 12

30.6K 683 105
                                    

Chapter 12

"Ang supportive! Award gusto mo?" Tinawanan ko ang tanong ni Zy.

"Yes, please, girlfriend of the year." sagot ko nang marating sa taas ng bleachers dahil kakagaling ko lang sa backstage para i-check si Andrius, magp-prepare na kasi sila for their performance.

"Yuck," Nginiwian niya ako.

"Ang arte talaga nito! Huwag ka nga! Unang boyfriend ko 'yon!" Sigaw ko.

Umayos na ako ng upo nang marinig na ang emcee sa stage.

Marami nang nakapag-perform, puro dance number, at ang iba naman ay kumanta. Marami rin ang nagpakita ng iba't-ibang talento bukod dito. Napangiti ako nang makitang sina Andrius na ang magpe-perform.

Sumabay ako sa tilian at sigawan ng mga estudyante na kasalukuyang nasa loob ng court. Ngayon lang yata lumakas ng ganito ang ingay sa loob. Sabagay, hindi na rin ako magtataka dahil halos kilala sa buong university ang member ng org. namin. Lahat sila lalaki at lahat sila-Gwapo.

"Go Andrius!" I cheered as soon as I saw him go up the stage. Nakabusangot pa siya at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap na sasayaw siya sa harap ng napakaraming tao. Laking pasasalamat ko at nakapwesto kami malapit sa stage, makikita at maririnig niya ako.

"Goo! Dion!" I shouted when I noticed that he was trying to find someone in the crowd. Napalingon siya sa direksiyon ko at agad na ngumiti.

I smiled widely. "Go! Baby!"

Napangiti siya at inalis na rin ang mga mata sa akin dahil magsisimula nang i-play ang music. Maging ang tatlong babaeng kasama ko ay napakalakas rin ng sigaw. Tinalo pa nga ako!

The song has finally played. They're now dancing to the music.

I can't remove the smile plastered on my face while watching Andrius dance on the stage like a kid. He's so cute in those light-colored clothes. Dancing with a cute type of song makes him stand out more in the crowd, especially, in my eyes.

I heard chants from different people inside the court.

"Go Dion! Go baby!"

My smile automatically faded upon hearing someone down there cheering for Dion. May iba pa siyang 'baby' maliban sakin? Talaga? My eyes immediately searched for the woman's voice.

And there, I found her. She was with the group of girls too. She has this little banner where Dion Andrius' name was written.

Dinaig pa nga ako.

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila kahit nag-uumapaw ang inis sa dibdib ko.

Binalik ko sa stage ang tingin. I watched Dion dance cutely in front of the crowd. His appearance tamed the raging emotions inside me. He's immeasurably handsome.

There are plenty of women who are head-over-heels in love with him. I should accept it, and that's the fact I can't take away from him. Alam ko ring ako lang ang babae sa buhay niya. So I should see no threat from that. Pero ... I just can't avoid this outburst. I hate this.

The song has a light aura, has a happy melody, but why did I feel like there's a needle piercing my heart?

My smile slowly faded while watching Dion walk down the stage after the music ended. Wala sa sarili akong bumalik sa pagkakaupo.

Sumandal ako at hindi na inabala pa ang sarili na panoorin ang mga nagpe-perform. Si Andrius lang naman ang pinunta ko rito, wala ng iba. Matapos ang ilang minuto, wala akong ibang ginawa kundi ang maupo habang dinadama ang bigat sa dibdib ko.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon