Chapter 16

25.1K 546 46
                                    

Chapter 16

"Dion! Sorry na. Naiinis lang talaga ako kanina kaya ko nasabi iyon. Sorry na. Uy, sorry na nga!" Nakangusong paki-usap ko.

Narating na lang namin ang bahay ko, hindi pa rin kami nag-uusap, hindi pa rin kami nagbabati. Nakasimangot ako habang pinagmamasdan sya, nakaupo habang nakahawak sa manibela, wala sa akin ang tingin at mukhang hinihintay na lang akong bumaba.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at panay ang paglipat-lipat ng tingin ko kay Dion at sa kalsada. Hindi ako nagpatalo sa kaniya at hindi ako bumaba, ayaw kong uuwi sa bahay ng hindi kami nag-aayos.

Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa manibela at pinatong sa ibabaw ng hita ko. Hinawakan ko ang kamay niya gamit ang dalawa kong mga palad.

"Dion, pansinin mo naman ako. Sorry na, okay? Sorry." I acted like a naive child while caressing his hand.

Bumuntong-hininga siya at tamad na sinulyapan ang kaniyang relo. "It's past 9PM. You should be inside. Uuwi na rin ako." matabang na sabi niya.

"No! E, 'di sasabay ulit ako sa'yo pa-uwi! Doon ako sa bahay niyo matutulog kung galit ka pa rin sa'kin!" sagot ko. Nahuli ko pa ang bahagyang paglaki ng mata niya dahil sa sinabi ko pero agad ring nabalik sa normal kinalaunan.

"Hindi pwede. Huwag mong kalilimutan na lalaki pa rin ako." He said mockingly. I rolled my eyes when our situation changed. And when do the tables turn?! Parang kanina lang, ako ang sinusuyo niya tapos ngayon hirap na hirap akong suyuin siya.

"Nandoon naman 'yong parents mo. Tapos, malaki naman 'yong bahay niyo. Edi sa ibang kuwarto ako matutulog."

Hindi niya na naman ako sinagot at s halip, binuksan niya ang pinto ng kotse at tuluyang bumaba. Galit nga talaga sa'kin ang gago! Nakita kong umikot siya sa harap at pumunta sa gilid ko. Napa-irap ako at tamad na napabuntong-hininga ng marinig ang pagbukas niya sa gilid ko.

"No! Hindi ako lalabas." Nakipag matigasan ako.

"Pumasok ka na sa bahay niyo. It's past 9:30, masyado ka nang ginagabi." He said with no emotion at all.

Labag sa loob akong bumaba sa sasakyan at padabog na sinara ang pinto. Gumawa pa iyon ng malakas na ingay dahil sa malakas na pagsara ko. Inis kong binalingan ng tingin si Dion.

"Akala ko ba ayaw mo akong umuuwi ng galit sa'yo!? E, bakit pinapauwi mo 'ko na ganito 'yong pakiramdam ko?!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasigawan ko tuloy sya.

His lips parted as he let out a sarcastic laugh. "So you're apologizing to me when you're still mad? Still a nonsense, Aviatrix." He shook his head.

Umawang ang labi ko.

And when did he start addressing me using my second name? Kapag galit; Aviatrix. Kapag hindi, baby?

I closed my eyes tight and immediately grabbed his hand. "I'm so sorry, okay? Hindi ako galit. Napikon lang ako kasi sinusuyo na nga kita, sorry ako nang sorry pero parang wala lang sayo."

He did not respond!

Tuluyan ko nang hinakbang ang natitirang distansya sa pagitan naming dalawa para makalapit ako sa kaniya. Tumingkayad ako ng abot sa aking makakaya para maabot ko ang labi niya. Ginamit ko ang aking kaliwang kamay pangkawak sa kaniyang balikat para hindi ako mawalan ng balanse.

I dropped a kiss on his lips then I stood up straight in front of him. Hawak ko pa rin ang isa niyang kamay at nanatiling nakatitig sa kaniya.

The side of his lips almost moved up but he immediately bit the inside of his lower lip when he noticed that I was observing his mouth.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon