Chapter 24

27.6K 639 46
                                    

Chapter 24

"Of course! I'm not mad at you, baby girl. Galit ako diyan!" Tinuro ako ni Jaile at tinignan gamit ang nanlilisik niyang mga mata.

"Um, I'm sorry po kasalanan ko po Tita Jaile." Nalulungkot at naiiyak si Cassy. "Pumunta po ako sa toy shop , and di po ako nag-ask ng permission po, kaya po tinakot po ako ng big monster kaya po tumakbo po ako palayo. Sorry po, Tita Jaile."

Pasimple kong kinurot si Jaile at sinamaan siya ng tingin dahil naiiyak na si Cassy.

Ngumiti siya ng alanganin sa akin at mabilis na dinaluhan ang bata para sa yakap. "Huh? Hindi! Hindi naman galit si Tita, ah! Biro lang iyon. Biro lang."

"Wait! Sandali nga!" Gulong-gulong pagsabat ni Elizzer. Mukhang hindi pa rin maintindihan kung ano ang nangyayari, nakakunot pa ang noo niya.

"Oh! Nandito ka na naman?!" gulantang na tanong ni Jaile.

"Bakit? Ginusto ko rin ba na makita ka ulit?" He fired back.

"Alam mo kahit kailan, panira ka talaga ng araw!" Jaile rolled her eyes.

"Ikaw rin naman panira ka ng buwan!" pang-aasar ni Elizzer.

"Nakakatawa ka."

"Pumunta lang ako ng mall nagsipuntahan na rin kayo?" Wow. Assuming na 'to masiyado, ha.

"Alam mo nakakairita ka na!" Inis na sagot ni Jaile at inambangan ng suntok si Elizzer.

Hindi na dumapo pa ang kamao ni Jaile sa mukha ni Elizzer dahil kaagad nang hinuli nito ang kamao niya. Pigil ko ang pagtawa ko habang pinapanood si Jaile na gulat na gulat pa rin sa biglaang paghila at pagyapos ni Elizzer sa kaniya. Kitang-kita rin ang mapaglarong ngiting nakaukit sa mga labi nito.

"Ano ba!" inis niyang binawi ang kamao niya, pulang-pula pa ang mukha.

"Tara na nga!" salubong ang mga kilay niya kaming inaya paalis. Hinawakan niya ang kanang kamay ni Cassy at ako naman sa kaliwa, mahirap na at baka tumakbo ito ulit.

"Hoy! Joke lang naman, e." narinig kong sigaw ni Elizzer mula sa likuran, hindi gaano kalayuan.

"Joke your face!" sigaw niya.

Napasapo ako sa mukha ko. Ako tuloy ang nahihiya sa kanilang dalawa dahil tumitingin na sa'min ang mga tao dito sa mall. Ang lapit-lapit lang naman kasi nila sa isa't-isa nagsisigawan pa.

Medyo kinabahan rin ako dahil baka ma-recognize ng mga tao si Jaile.

"Hindi ka naman mabiro, Jaile Chandria." bawi naman agad ni Elizzer. Hindi siya pinansin ni Jaile at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Sandali lang!" humabol siya at hinawakan niya ito sa braso.

"Bakit ba!?" irita niyang nilingon si Elizzer.

"Isipin mo 'yon, nandito ka, nandito ako, nandito si Andrei, nandito din si Thalia." isa-isa niya kaming tinuro, "College reunion pala to, e!" siniko niya si Dion sabay tumawa ng malakas.

"Reunion apat? At isa pa hindi tayo blockmates dati, 'no!"

"Bakit? Kailangan ba marami kapag reunion? Blockmates lang ba dapat?" si Elizzer.

"Ano sa tingin mo?" nakapamewang na tanong ni Jaile.

Ngumiti si Elizzer. "Lima naman tayo! Marami na 'yung lima, hindi mo ba alam 'yong two or more?" He laughed.

"Bakit ba pilit ka nang pilit, ha?!" nagulat ako sa biglang pag-sigaw ni Jaile. I pursed my lips restraining myself from smiling.

"Gusto lang kitang makasama! Bakit ba ayaw mo?" hindi na siya nakapagpigil pa. "Hanggang kailan ka ba pilit na lalayo sa'kin?"

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon