Chapter 19

27.5K 533 84
                                    

Chapter 19

All the question marks I had in my head vanished. Just like that ... Everything felt right.

Matapos ang ilang linggo, nagmamadali akong bumaba sa building namin. Hingal na din ako dahil naghagdan lang ako. Wala si Zy sa classroom kaya nagkakandaloka loka na ako kahahanap sa kaniya. Nakalimutan ko kasing dalhin 'yong pinapagawa sa amin last week. Naiwan ko pa sa bahay! Ang swerte ko. Napakaswerte ko nga naman.

Last week pa 'yon! Tapos ngayong araw na ang deadline. Maya-maya lang ay magsta-start na ang class namin sa professor ko roon, at wala akong maipapasa dahil una sa lahat, print iyon, pictures!

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko marating lang ang building B. Pakiramdam ko ay naroon siya. Huminto ako para kunin ang phone ko sa bulsa ko pero halos mapasigaw ako sa inis dahil wala akong makapa. Naalala kong nasa loob nga pala iyon ng bag ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo at napapalingon na rin sa akin ang ibang estudyanteng nadadaanan ko. Pakiramdam ko ay mababaliw na 'ko. Hindi ko na maintindihan kung ano ang uunahin ko at nagsabay-sabay pa ang mga deadlines.

"Thalia?"

Kaagad akong napahinto sa pagtakbo nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki na tumawag sa pangalan ko. Napabalik ako sa kaunting distansyang nadaanan ko at napangiti na lang ako nang makita ko si Dion. Kasama niya si Lux at ang isa pang pamilyar na lalaki. Kunot-noo niya akong tiningnan.

"Why are you running?" He asked, confused.

"May hinahabol akong kriminal." tumatawang sagot ko pero pansin kong hindi siya natawa kaya binawi ko agad. "Joke lang. Hinahanap ko si Zy." sagot ko at lumapit sa kaniya.

"Payakap nga!" tumingkayad ako at pinulupot sa kaniya ang braso. I sniffed his perfume, and I smiled at his manly scent. Nagkikita naman kami nitong mga nakaraang araw, pero parang miss na miss ko s'ya.

He's near but I'm missing him.

What's the need to feel these confusing feelings?

Bakit ganito?

Or maybe dahil … Busy lang.

Sa dami ng aming ginagawa ay hindi na kami nakakapag-date. Napanguso ako. I missed those light days.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Andrei at tinignan s'ya. I observed him. He's handsome on a daily basis. But something about him made my forehead crease. "Bakit hindi ka naka-uniform?" 

Nakasuot lamang kasi siya ng black oversized shirt, black pair of pants, and white shoes. Hawak-hawak pa niya ang susi ng kotse niya. "Hindi ka pumasok?" tanong ko.

Tumango lang siya sa akin. "May sinubmit lang ako," He said in a low tone.

"Why? What happened?" Pinalambing ko ang boses ko dahil alam kong may mali. Hindi naman siya ganito. Palagi siyang nakangiti sa tuwing nakikita ako, ni hindi nga niya ako niyakap pabalik kanina.

Hindi niya ako sinagot kaya hinaplos ko na lang ang mukha niya. "Natulog ka ba?" Naniningkit ang mga mata ko.

He smiled a bit and nodded. "Yes, an hour."

Parang may kumudlit sa dibdib ko habang pinagmamasdan sya. He has dark circles on his eyes pero gwapo pa rin. "Mag-do-doktor ka pa naman. Ingatan mo ang sarili mo." sabi ko.

I caressed his face again. "You should take care of yourself first before you think of taking care of others, okay? You have a long journey ahead, baby. Don't pressure yourself too much." I leaned to kiss him. "I love you." He just smiled at that.

"Sana all."

Narinig ko pa si Lux na nagsalita bago muling tumakbo para hanapin si Zy. Narating ko ang building B at laking pasasalamat ko dahil naroon nga sina Zy. Narito na naman sila nakaupo sa concrete benches sa harapan ng concrete circular tables. Kumunot ang noo ko nang makitang silang dalawa lang ni Jaile ang narito.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon