Chapter 04

42.2K 960 245
                                    

Chapter 04

I applied some nighttime skincare after studying. Nahiga ako sa kama at akmang ipipikit na ang mata para makatulog na pero hindi ko na iyon naituloy dahil narinig kong tumunog ang phone ko.

I grabbed it at the top of my bedside desk and my body automatically sat down the moment I saw it. Message iyon galing kay Andrius kaya dali-dali ko iyong binuksan.

Dion Andrius Velasquez: Thalia?

My brows rose up while biting the inside of my cheeks to stifle a smile. Kaagad akong nag-reply.

Thalia Aviatrix Martinez: why, baby?

Thalia Aviatrix Martinez: ay hala potek! Typo lang 'yan! why, Andrius dapat 'yan! Sorry ang advance TT

Dion Andrius Velasquez: Lol

Thalia Aviatrix Martinez: so what's up? u miss me na agad?

Tumawa na naman ako. When pa 'ko naging conyo?

Dion Andrius Velasquez: u-week tom.

Napabusangot ako. Hindi man lang talaga niya inamin na na-miss niya ako! Gabi na kaya, 'no! It was already deep midnight. Sino ang mag-e-effort na mag-text nang ganitong oras? Of course wala, si Andrius lang!

Binasa ko ulit ang message niya. Oo nga pala, start na nga pala ng u-week bukas! Kinuha ko ang planner ko at nakitang tama nga siya. Bukas na nga.

Thalia Aviatrix Martinez: so anong gagawin ko?

Dion Andrius Velasquez: Okay.

Napatakip ako sa bibig ko matapos basahin ang reply niya. Okay. Ghad! Ang iksi tapos may tuldok! Galit yan sa 'kin? Umayos ako sa pagkakadapa para muling magtipa ng reply.

Thalia Aviatrix Martinez: uy hala! 'wag ka munang magtampo! wala pa tayong label!

Dion Andrius Velasquez: Hindi ako nagtatampo.

Thalia Aviatrix Martinez: ah buti naman! wala akong energy manuyo kapag walang label, e. next time ka na magtampo baby

Thalia Aviatrix Martinez: gosh typo na naman! bakit kapag tina-type ko name mo 'baby' 'yung keyboard suggestion?! nakikita ba ng keyboard ko 'yung future ko seyo? chour.

Dion Andrius Velasquez: Bakit sa 'kin hindi?

Thalia Aviatrix Martinez: ang sama mo sa 'kin ;(

Dion Andrius Velasquez: Wife 'yong keyboard suggestion.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko, dinadama ang mabibilis na pagtibok ng puso ko. Grabe! Grabe Andrius! Mas malandi pala siya kaysa sa 'kin! So hindi 'baby' kasi 'wife'? My God! Kailan kami ikakasal?

Halos mapunit na ang labi ko sa kangingiti. I shook my head and typed my reply once again.

Thalia Aviatrix Martinez: grabe! iba ka pala bumanat 'no?! 'yung heart ko napupunta sayo chour. araw-arawin mo 'yan, ha?

Natawa na naman ako! Puro ako 'chour', kunwari joke lang pero I'm serious. Seryosohin niya sana 'yung chour ko kasi seryoso rin ako sa kaniya.

Dion Andrius Velasquez: I'll see u tom. At the field. Near the flagpole :)

Impit akong napatili sa kilig. Nag-set na siya gosh! Sure na this na kami nga ang magkasama bukas! Ang lucky ko naman!

Kinabukasan, nag-groufie muna kami sa loob ng classroom bago lumabas. I just made a peace sign using may hand and smiled cutely at the camera.

"YES TO EEU! AWOO! LET'S GO BLUE SCORPIONS!" Sigawan naming lahat habang nagtataas ng kamay.

Matapos mag-picture, ni-send agad nila iyon sa GC, kaya agad ko rin iyong in-upload sa story ko. Binalik ko na sa bulsa ko ang phone at dumiretso na sa baba. Naglinga-linga ako para hanapin si Andrius. Hindi ko agad siya nahanap dahil lahat ay naka-blue shirt. Bakit kasi lahat naka-blue? Char. Ito ang pinaka ayaw ko kapag may ganitong event, e.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon