Chapter 02

62.4K 1.2K 314
                                    

Chapter 02

Kinabukasan nga ay umasa ako sa sinabi ni Dion. He said we'd be meeting today kaya iningatan ko ang sarili ko dahil iyon ang bilin nya!

Malapad pa ang pagkakaunat ng mga labi ko at ako na yata ang pinakamasayang tao ngayong araw.

Diretso akong pumasok sa gate habang nakahalukipkip. I'm pressing my lips together. Nababaliw na yata ako.

Last night, I couldn't get Dion out of my mind.

Habang nakapikit, pakiramdam ko ay nakatitig sa akin ang mapupungay niyang mga mata. I badly need to call my dad and tell him what is happening to me. I need psychological treatment!

"Dion!" Sigaw ko nang mamataan ko sya sa gilid ng photocopying area.

Saklay pa nya ang backpack nya habang hawak ang bond papers, mukhang kararating lang rin at dumiretso dito.

Ngumiti lamang sya ng tipid sa akin.

Pinanatili ko ang magandang ngiti. Nang tumabi ako sa kanya ay naglilingunan pa sa akin ang mga babaeng nasa paligid namin na parang may masama akong ginagawa.

"Para saan iyan?" Sinulyapan ko ang hawak nya.

Tumitig muna sya sa akin bago siya sumagot at kinalaunan ay tumingin ulit sa hawak nya.

He flips the pages. "Inutos lang sa akin ni Mr. Mapait."

Tinangu-tanguan ko sya.

Tumingin ako sa mga estudyanteng nakapila sa tapat ng xerox machine at kunwaring nagmamasid-masid pero ang totoo ... Naubusan na naman ako ng sasabihin.

"Hindi ka pa aalis? May hinihintay ka pa?" I played with my hand in front of me.

Napatingin siya sa mga daliri kong pinaglalaruan ko.

"Hinihintay ko si Jacy."

I couldn't understand why my heart twinged suddenly upon hearing it.

The woman was his close friend. Probably. We three are clubmates. Madalas ko silang nakikitang magka-usap sa tuwing magkakasama kami sa iisang silid.

He's waiting Jacy kaya sya nandito. Istorbo yata ako.

"Andrei, pahawak nga saglit." Lumapit si Jacy nang matapos itong magpa-photo copy.

Nagbaba ako ng tingin.

Even the way she calls him ... Andrei.

Nickname niya yata iyon.

Buo ang atensyon ni Jacy sa papel na hawak nya kaya hindi nya alam na narito ako. Inaalalayan naman siya ni Andrius para hindi niya mahulog ang mga papel na hawak.

Napalunok ako ng laway habang pinapanood ang kamay ni Andrius na naka-abang sa ilalim ng mga hawak nitong papel.

Ingat na ingat sya na para bang kabisado niya kahit na ang maliliit na galaw ni Jacy. He knew her very well.

"Sige, ha! Una na ako!" Dahan-dahan akong umaatras.

I wonder what their real connection is.

Sana ... Sana kaibigan niya lang.

"Sumabay ka na sa'king maglakad." Mabilis na nag-angat ng tingin si Andrius sa akin.

Napatingin rin tuloy si Jacy at mukhang gulat pa.

"Hindi na! Magsisimula na first class ko! Tatakbo na ako kasi mala-late na ako!" Palusot ko kahit na ramdam kong alam nyang may tatlumpung minuto pa bago pumasok ang unang professor namin sa araw na ito.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon