Chapter 06

35.5K 780 121
                                    

Chapter 06

Three days went fine. Naninibago lang ako sa bagong set up ko dahil lalo akong naging busy.

"Dito na rin pala nag-aaral si Denisse? Hindi na siya babalik sa Boston?" tanong sa akin ni Tyron.

Tumango ako habang nakasandal ang siko sa kaniyang hita, hinahampas-hampas siya ng bahagya. Magkatabi kaming nakaupo sa isang bench, sa ilalim ng matayog na punong-kahoy.

"Wala nang balak 'yon. May bebe na maiiwan dito, e." Tumawa ako.

Denisse was raised in Boston but was born in the Philippines. Tuwing bakasyon nila ay saka lang siya nagagawi sa Pilipinas.

Her mother is still in Boston, but her father isn't there since he's a policeman. So he stayed here for his job: to serve the country. However, Denisse chooses to stay in our house, dahil wala naman ang daddy niya sa bahay nila madalas.

Pareho kaming first-year college at hindi pa nga tapos ang school year, nagpakilala na agad siya ng lalaki sa bahay.

Hindi ko alam kung saan niya nakilala si Eren. Ang alam ko lang ... Hindi niya na ginustong bumalik sa Boston simula noong nahuli siya ng lalaking iyon.

Matitinik talaga ang kamandag ng mga Velasquez. Pati ako, natuklaw.

"Really? Sino?" Kunot-noong tanong ni Tyron sa akin.

"Pinsan ni Dion," sagot ko.

"Oh ... kaya ba nakilala mo iyong Dion na 'yon?" He asked interestedly.

Umiling ako.

"I met him noong entrance exam." Humikab ako matapos sabihin iyon. Sumandal ako sa balikat ni Tyron nang makaramdam ng antok. "May plano ka bang magka-girlfriend, Tyron?"

Even without bringing my sight to him, I could feel his stares on me.

Well, I'm just curious.

Pareho kami ni Tyron na single since birth. I understand why I have had no boyfriend ever since I was a girl.

But him?

Possessing these handsome features? A hot and intelligent student? He could doubtlessly be a playboy and trick too many sexy girls.

Pero hindi niya pinili ang maging gano'n. He wants a clean record. Or maybe because he has me who hates men who play girls? He knows I'm sensitive.

"Ikaw? May balak ka ba?"

Binalik niya ang tanong sa akin at tumitig sa mga mata ko.

Napangiti ako at dinirekta sa harapan ko ang tingin. "Kapag niligawan ako ni..."

Hindi ko magawang idiretso ang sasabihin. Para bang nabubuhol ang dila ko. Naghuhuramentado ang puso ko habang iniisip ang gwapong imahe ni Andrius, inaalala ang lamig ng boses niya.

"Nino?" Rinig ko ang biglang pagkabuhay ng tila ba'y inaantok na boses ni Tyron kanina.

He's so interested in knowing about it. This is probably the first time he'll hear me talk about my crush? Not about school work, pranks, funny videos, or movies this time. But crush.

"...ni Dion." After that confession, we were surrounded by a long deafening silence.

"Gusto mo pala talaga iyong lalaki na 'yon? Akala ko ... biruan n'yo lang." He said then chortled awkwardly.

Hinampas ko siya.

"Kailan pa ako nagbiro sa ganito? You know me, right? Maraming lalaking ni-reto sa akin si Zy noon. Noong tag-hanap pa sila ng happy crush."

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon