Chapter 18

26.2K 562 63
                                    

Chapter 18

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa cellphone mo."

Nanlalaki ang mga mata kong binalingan ng tingin si Denisse na siyang nagsalita sa tabi ko.

I was sitting in the back seat beside her and we're currently heading to Velasquez residence. Ngayon ang nasabing araw kung kailan isasagawa ang party sa bahay nina Andrius. Medyo kinakabahan pa ako.

I'm excited.

Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Dion, matapos ang araw na iyon, masyado na siyang busy lalo na't malapit na ang finals. Naiintindihan ko naman siya dahil gano'n rin naman ako.

"Gayahin mo na lang ako. Chat mo rin si Eren." sambit ko at kinindatan siya.

Nanlaki agad ang mata niya. "Gayahin kita?! At i-chat ko rin si Eren?!" Gulat pa sya.

Proud akong tumango.

"So ka-chat mo ngayon si Eren?!" tanong niya ulit.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Ka-chat ko si Eren mo? Okay ka lang?" sarkastikong tanong ko at natawa.

She shook her head.

"Sabi mo gayahin kita at i-chat ko si Eren, so ibig-sabihin, ka-chat mo nga ngayon si Eren." sabi niya.

"Tanga! Sabi ko gayahin mo 'ko na ka-chat 'yong bebe! I mean i-chat mo rin 'yong sayo! Sino ba 'yong bebe mo? Edi si Eren!" I rolled my eyes.

Tumawa siya. "Ayusin mo kasi minsan."

Wow, ako pa?

Hindi ko na lang siya pinansin pa at binalik na muli ang tingin sa phone ko para i-message si Andrius.

Thalia:

Nasaan ka ngayon? Saan kita pupuntahan?

Napangiti ako nang makitang nag-ty-type na agad si Andrius.

Dion:

Sa bahay.

Napa-irap ako sa reply niya.

Thalia:

Ayos mo kausap. Fine, gonna drive back home.

Dion:

Sa terrace lang, baby.

Natawa ako nang mabilis siyang nakapag-reply. Natakot ang gago! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa hiya nang mapansing nakatingin na sakin si Mom at si Denisse. Napalakas yata ang tawa ko.

Ilang sandali pa, narating rin namin ang bahay nila. Nasa labas pa lamang kami ng gate, naaninag ko na ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw. The celebration was held in their garden. Napaka daming tao.

Sumusunod lamang ako sa pupuntahan nina mommy at daddy.

Nang sa wakas ay nagkita na si Mommy at si Tita Saia, napangiti ako. My mom is so happy to the point that she almost forgot that she has someone with her!

Inaya kami ni Tita Saia at pinaupo sa long table kasama ang ilang kilalang personalidad.

May nakikita pa akong iilang artista. Ito siguro 'yong sinasabi nila na table for VIPs. Naglingalinga ako para hanapin si Dion, napasapo na lang ako sa noo ko nang maalalang nasa terrace nga pala siya.

Nanatili muna akong nakaupo at naghahanap ng tamang timing kung kailan ako aalis. Alam kong hindi bababa 'yon si Dion dahil ayaw sa camera exposure.

Baka takot ma-discover 'yon!

Nang mapansing masyado na silang nadala sa kanilang usapan, dahan-dahan akong tumayo para puntahan si Dion.

Alam ko naman na legal kami pero ayoko naman ipahalata sa mga magulang ko na sabik na sabik akong makita 'yong lalaki ko.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon