"Ang Pagtulong ng Diyos" (Introduction & Chapter 1)

78 3 0
                                    

Kaunting background:
Si Jeremias ay isang kabataan na pinili ng Diyos upang maging propeta. (Approximately 17 years old)
Naglalaman ang aklat na ito ng mga propesiya sa Juda at ng mga paghihirap at saloobin ng isang batang propeta habang naglilingkod siya sa Diyos.

Kindly read: Jeremiah 1:1-19

Verse for the day:
Jeremias 1:18‭-‬19
Makinig ka! Patatatagin kita ngayon tulad ng napapaderang lungsod, o ng bakal na haligi o ng tansong pader. Walang makakatalo sa iyo na hari, mga pinuno, mga pari, o mga mamamayan ng Juda. Kakalabanin ka nila, pero hindi ka nila matatalo, dahil sasamahan at tutulungan kita. Ako, ang Panginoon , ang nagsasabi nito.”

"Ang pagtulong ng Diyos"

Ang taong naglilingkod sa Diyos ay ligtas sa kapahamakan ngunit hindi ibig sabihing hindi na tayo kakaharap ng mga pagsubok at problema sa buhay.

Sa aklat na ito ay makikita natin ang kadakilaan ng Diyos at ang Kanyang pagiging walang hanggan. Nabanggit kasi Niya dito kung paano Niya pinili si Jeremias habang nasa sinapupunan pa lamang ito ng kanyang ina.

Isa itong bagay na magpapatunay na si Jeremias ay ipinanganak para sa isang natatanging tungkulin, walang iba kundi ang magpahayag ng mensahe ng Panginoon.
Pero kalakip ng marangal na tungkuling ito ay binanggit din ng Panginoon kay Jeremias na hindi ito magiging madali, sa halip dapat siyang maghanda dahil marami ang kakalaban sakanya kahit pa siya ay naglilingkod sa Diyos.

Pero ang magandang parte ng aklat na ito ay nang nangako ang Diyos sa Kanyang lingkod kung paano Niya ito patatatagin at kung paano Niya sinigurado na tutulungan Niya ito sa mga kakalaban sakanya.

Kaya naman kapatid, ano man ang sitwasyon mo ngayon, nahihirapan ka man o nasasaktan. Tandaan mo na ang Diyos ay hindi nagbabago at tapat Siya kung umibig, tutuparin Niya ang bawat salitang binanggit Niya.

At isa sa kanyang mga pangako ay ang tutulungan ka Niya at sasamahan.
Kaya patuloy kang lumaban at maglingkod sa Diyos kapatid!

Maaring may kumalaban sayo, pero tatandaan mo na ang Diyos ay sumasaiyo!

God is faithful!
He is our ever present help!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon