Good morning
Kindly read: Jeremias 4:1-4
Verse for the day:
Jeremias 4:4
Linisin nʼyo ang inyong mga puso sa presensya ng Panginoon , kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, dahil kung hindi ay mararanasan nʼyo ang galit kong parang apoy na hindi namamatay dahil sa ginawa nʼyong kasamaan."Malinis na puso"
Ang pagkakaroon ng isang malinis na puso ay posible at mangyayari lamang sa tulong ng Panginoon at sa loob ng Kanyang presensya.
Sa unang bahagi ng kapitulong ito ay binigyang pansin kung gaano kahalaga ang estado ng puso natin pagdating sa harapan ng Diyos. At madalas din itong naituturo sa loob ng simbahan, pero kahit na alam ito ng karamihan, patuloy padin ang paglaganap ng iba't ibang uri ng kasamaan na alam naman nating nagmumula sa masasamang tao na nagtataglay ng isang maruming pusong hindi pa binago ng Diyos.
Sabagay, kaya ito ay hindi inuunang masolusyunan ng isang indibidwal, ito ay dahil hindi naman ito ang unang nakikita sa atin. Kaya naman mas nakafocus tayong pagandahin ang ating mga panlabas na anyo na siyang unang mapapansin sa atin.
Pero mga kapatid, ito ay hindi wastong kaugalian na dapat hindi din natin gayahin mula sa mundo.Sa halip, kagaya ng sinabi sa Kawikaan ni Solomon sa Prov. 4:23, "Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it."
Maging mapagbantay tayo at lagi nating alamin ang estado ng puso natin sa harap ng Diyos.
Upang kung ito man ay narurumihan na at nahahawa na sa mga makamundong kaugalian, malinis natin ito kaagad sa tulong at gabay ng Panginoon.Dahil kagaya ng nabanggit sa kanyang mga salita;
"Babaguhin ng Panginoon na inyong Dios ang mga puso ninyo at ang mga puso ng inyong lahi para mahalin ninyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa, at mabubuhay kayo nang matagal." (Deuteronomio 30:6)Oo, marahil ayaw nating marumihan ang ating puso o kaya naman alam natin kung ano ang mga marurumi at malilinis na bagay para sa ating puso, pero tandaan natin na hindi natin ito kayang gawin ng sa atin lang!
Kailangan natin ang Panginoon!
Kaya magpasakop tayo Sakanya at Sakanyang mga salita ay manahan tayo, sikapin natin na lagi tayong manatili sa Kanyang presensya. Dahil dito lamang nangyayari ang pagbabago at paglilinis ng ating mga puso!Sa Diyos ang kapurihan!
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...