Kindly read: Jeremias 19:1-15
Verse for the day:
Jeremias 19:15
“Makinig kayo, dahil ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel: Ipapadala ko sa lungsod na ito at sa mga baryo sa palibot ang sinabi kong parusa dahil matigas ang ulo nila at ayaw nilang makinig sa mga sinabi ko.”"Padala ng Diyos"
Ang totoong nais ng Diyos ay magpadala ng buhay at pagpapala sa bawat isa, ngunit dahil sa mga maling pamamaraan natin ng pamumuhay, katigasan ng ulo, at pagtanggi natin na pakinggan ang Kanyang mga payo, imbis na maganda ang ipadala sa atin, mga pangit na bagay ang dumarating sa buhay natin.
Pero kahit na alam natin na ganoon ang batas na tinalaga ng Diyos sa buhay na ito, may mga tao paring gumagawa ng masama pero nagrereklamo at nagagalit sa buhay dahil sa mga pangit na karanasan o mga problema niyang pinagdadaanan.
Ito ba ay tama? Hindi, dahil ito ay malinaw na maling pag-uugali.
Hindi tamang maghangad ang isang tao ng isang matiwasay at maayos na buhay kung hindi naman siya nagpapasakop sa Diyos na may akda at nagkaloob sa atin ng buhay.Mahalagang malaman na ang pagpapadala ng parusa ay isa rin sa mga katangian ng Panginoon na pinaglilingkuran natin, upang tayo nga ay maging maingat at mapanuri sa mga bagay na gagawin o papahintulutan natin na makapasok sa ating mga buhay.
Gusto mo bang maiwasan ang mapadalhan ng parusa at problema na nagmula sa Diyos? Huwag matigas ang ulo mo, sa halip ay sumunod ka sa mga sinasabi Niya sa'yo.
Sa ganitong paraan ay makakaiwas tayo sa mga problema na hindi naman talaga natin dapat pagdaanan.Tandaan mo na bilang anak ng Diyos, marami tayong dapat gawin! Kaya naman hangga't maari ay iwasan na natin ang mga bagay na makakahadlang o makakapagpabagal sa ating paglilingkod sa Diyos.
Tandaan ito: Sa tuwing matigas ang ulo natin at hindi tayo nakikinig sa Diyos, para tayong umoorder ng problema at parusa mula sa Diyos.
Kaya huwag mong gawin ito kapatid, dahil kung paanong tapat ang Diyos na magpadala ng Kanyang tulong sa Kanyang mga lingkod na nagtatapat sakanya, ganoon din naman Siya katapat sa pagpapadala ng parusa sa mga ayaw makinig sakanya.
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualeIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...