"Mabuti ang Diyos sakanyang mga Lingkod"

2 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 40:1-6

Verse for the day:
Jeremias 40:4
Aalisin ko na ngayon ang kadena mo at palalayain na kita. Kung gusto mo, sumama ka sa akin sa Babilonia at aalagaan kita roon. Pero kung ayaw mo, nasa sa iyo iyon. Tingnan mo ang buong lupain; malaya kang pumunta kahit saan.

"Mabuti ang Diyos sakanyang mga Lingkod"

May pabor lagi ang Diyos sa mga tapat niyang anak na hindi kayang pigilan ninuman.

Sa kapitulong ito ay makikita natin na si Jeremias nga ay pinalaya na mula sakanyang pagkakakulong ngunit ang paglaya niya ay ibinigay hindi ng kanyang mga kababayan kundi ng kanilang kaaway na sumakop sa kanila.

Dahil hindi katulad ng kababayan ni Jeremias, si Nebuzaradan na isang taga-Babilonia ay naniniwalang si Jeremias nga ay lingkod ng Dios at ang kanyang mga mensahe ay kinasihan ng kapangyarihan ng Diyos kaya nga ang lahat ng Ito'y nagkatotoo.
Kaya binigyan niya ng pabor ang propeta upang makapamili ag makapagdesisyon kung ano ang nais niyang gawin pagkatapos lumaya, ang manatili ba sa Jerusalem o ang manirahan sa Babilonia.
Ito ay napakalaking pabor para kay Jeremias na nabuhay ng mahabang panahon na puro pasakit at kahirapan ang dinanas sa ilalim ng pamumuno ng masasamang hari ng Bayan ng Diyos.

Pagkatapos ng ilang taong pagtitiis ng hirap, at pagsusumiksik sa mga sitwasyong hindi komportable sa kanyang pakiramdam, at ang paglunok ng mga masasakit na salita at mga maling paratang sakanya, ito ngayon si Jeremias, nakakaranas ng napakalaking pabor mula sa kalabang bansa, pagpapakita na anumang gawin ng mga tao upang pahirapan ang mga anak ng Diyos, o kaya naman ipagkait sakanila ang isang buhay na maalwan at matiwasay, ngunit kapag ninais ibigay ito ng Diyos, walang sinumang makakapigil nito!

Gaya ng sinabi ni David;
Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid, ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama.  Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon ang mga taong matuwid. At tatanggap sila ng gantimpalang pangwalang hanggan.  Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan. Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.  Ngunit ang mga taong masamaʼy mamamatay. Ang mga kaaway ng Panginoon ay mamamatay tulad ng bulaklak. Silaʼy maglalaho na gaya ng usok. (Salmo 37:17‭-‬20)

Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.  Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal, dahil hinahawakan siya ng Panginoon . (Salmo 37:23‭-‬24)

Kaya magpakatatag ka kapatid at patuloy na sumunod sa kalooban ng Diyos! Mauhaw ka sakanyang katuwiran at yakapin ang kanyang pamantayan. Sikapin kong maging tapat na lingkod ng Diyos, at isang anak na totoong nagmamahal Sakanya!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon