Kindly read: Jeremias 29:1-23
Verse for the day:
Jeremias 29:11
Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan nʼyo at hindi sa kasamaan nʼyo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan."Pagtitiwala sa Disiplina ng Diyos"
Mahalagang maintindihan natin na ang kapitulong ito ay isang sulat na ipinadala ni Jeremias sa mga kababayan niya na nabihag na ng mga taga-Babilonia.
Patuloy niyang binabalaan sila na huwag maniwala sa mga bulaang propeta at intindihin kung ano ang mensaheng natanggap nila patungkol sa 70 taong pagkakaalipin na kanilang mararanasan.
Pinayuhan sila ni Jeremias na magpasakop sila sa Babilonia habang sila nga ay alipin ng mga ito, dahil ito ang makabubuti para sakanila.Pero dito din nabanggit sa kapitulong ito ang isa sa pinaka-sikat na talata sa aklat ni Jeremias, walang iba kundi ang Jer. 29:11.
Sinabi dito ng Diyos sa pamamagitan ni Jeremias; 'For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."
Isang pangako na humihikayat sa mga tao na magtiwala sa Diyos kahit sa mga sitwasyon na mahirap, dahil ALAM NG DIYOS ANG KANYANG PLANO PARA SA ATIN.
Pero gaya nga ng sinabi at payo ni Jeremias sa kanyang mga kababayan. Huwag silang mag-aklas o magrebelde sa Babilonia.
Dahil kagaya ng pinaunawa sa atin nitong mga kailan; Ang Babilonia ay dumating bilang parusa sa kanila at disiplina nadin upang sila nga ay matuto na manumbalik sa Diyos.Kaya naman, ganun na lang kahalaga na dumaan sila ng 70 taong pagkakaalipin sa ilalim ng kaharian ng Babilonia, dahil ito ay magdadala sakanila ng tiyak na aral sa buhay na kanilang magagamit upang lalong umayos at gumanda ang kanilang relasyon sa Diyos.
Sa madaling salita, hindi lang ang mga magagandang bagay sa buhay natin ang maituturing na kasama sa plano ng Diyos.
May mga pangit na pangyayari na maaring dumating sa'tin na maaring parusa sa mga mali nating ginawa pero ginagamit na din ng Diyos bilang disiplina para sa ikaaayos natin bilang kanyang mga anak. Ang maganda lang dito ay kapag ang isang tao na dumaan sa disiplina at natuto mula rito, tiyak na hindi mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya.Ganoon nga ang nais ng Diyos sa bawat isa, Ang matuto mula sa mga disiplina Niya.
----------------
Hebreo 12:5-11
Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Dios sa inyo bilang mga anak niya: “Anak, huwag mong balewalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, at huwag kang panghinaan ng loob kung sinasaway ka niya. Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo niya ang itinuturing niyang mga anak.” Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Dios sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? Kung hindi kayo dinidisiplina ng Dios gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, para maging mabuti ang pamumuhay natin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay.
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...