Good morning
Kindly read: Jeremiah 2:1-37
Verse for the day:
Jeremias 2:25 ASND
“ Mga taga-Israel, napudpod na ang mga sandalyas nʼyo at natuyo na mga lalamunan nʼyo sa pagsunod sa ibang mga dios . Pero sinasabi nʼyo, ‘Hindi namin maaaring itakwil ang ibang mga dios. Mahal namin sila at susunod kami sa kanila.’"Ang pag-ibig sa Diyos"
Ang katigasan ng ulo na dulot ng maling uri ng pagmamahal ay isa sa mga mahirap tanggalin o baguhin sa buhay ng isang tao.
Sa panahon natin ngayon ay napakarami ng negatibong naging epekto ng salitang "PAGMAMAHAL o PAG-IBIG", kahit na alam naman nating napakaganda ng salitang ito kung pag-aaralan.
Kaya nga minsan ay may mga nasasabi ang ilan na; "Mali bang magmahal?", "Nagmahal lang naman ako." Atbp.
Ang mga katagang ito ay nasasabi sa tuwing nakakaranas ang tao ng pangit na resulta mula sa pagmamahal nilang ginawa.
Pero kailan nga ba nagiging mali ang pagmamahal?
Upang hindi humaba ang usapin natin, bumase nalang tayo sa nabanggit na talata sa itaas. Sinabi doon na; Dumadaan na sa hirap ang Israel dahil sa kanilang pagsamba sa mga diyos-diyosan pero hindi parin nila ito matakwil dahil nga sa mahal nila ang mga ito.Naging mali ang pagmamahal sa tagpong ito dahil ibinigay ito ng Israel sa mga diyos-diyosan imbis na sa tunay na Diyos.
Q: Ano ang ibig iparating satin nito?
A: Iba ang nagagawa ng pagmamahal, ito ay isang bagay na kapag inilakip mo sa sinuman sa buhay mo o kaya anumang bagay na mayroon ka, tiyak na hinding hindi mo ito iiwanan at bibitawan.Kaya naman kahit mali na o ikinapapahamak na ng tao ang kanyang ginagawa ay nagagawa parin niyang manatili dito dahil nga sa pagmamahal na inilagay niya dito.
Sa ganitong tagpo nagiging mali ang pagmamahal nating mga tao.Kaya naman pansinin natin, ano ba ang sinasabi ng Panginoong Hesus na dakilang kautusan?
Ganito ang sinabi sa Mateo 22:37-38,
Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’Kaya naman mahalagang maintindihan natin na ang una at higit sa lahat na dapat pagbuhusan natin ng buo nating pagmamahal ay ang Panginoon, dahil ang pagmamahal sa Diyos ang siyang magtuturo sa atin ng wastong pamumuhay at tamang pagmamahal sa kapwa natin at sa anumang bagay ma mayroon tayo.
Dahil sinabi nga ng Panginoong Hesus,
"If you love me, keep my commandments" John 14:15Kaya naman mga kapatid, kung mayroon man tayong iniibig sa buhay na ito ng higit sa Panginoon, o kaya naman ay dahilan ng pagkalayo natin sa kalooban ng Diyos. Iwaksi na natin ang mga ito at manumbalik nga tayo sa unang pag-ibig natin sa Diyos!
Reflect on this verse:
Pahayag 2:4-5
Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: ang inyong pag-ibig sa akin ngayon ay hindi na tulad ng dati. Alalahanin ninyo kung gaano kayo nanamlay sa pananampalataya . Magsisi kayo sa mga kasalanan ninyo at gawing muli ang dati ninyong ginagawa. Kung hindi, pupuntahan ko kayo at kukunin ang inyong ilawan.God bless
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...