"Gumaya sa Tama"

23 1 0
                                    

Good morning

Kindly read: Jeremias 3:6-25

Verse for the day:
Jeremias 3:7‭-‬8
Akala ko, pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ito, babalik na siya sa akin, pero hindi siya bumalik. At nakita ito ng taksil niyang kapatid na walang iba kundi ang Juda. Hiniwalayan ko ang Israel at pinalayas dahil sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan . Pero sa kabila nito, nakita ko ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi man lang natakot. Nangalunya rin siya

"Gumaya sa tama"

Ang paggawa ng masamang bagay ay hindi lang basta kasalanan sa harapan ng Diyos kundi ito rin ay maaring makaimpluwensya sa ibang tao at gamitin nila itong lisensya na gumaya din.

Dahil totoo na ang mga tao ay mayroong mob mentality kung saan kung anong gagawin ng isa gagayahin ng karamihan, kaya nga may tinatawag tayong mga pasok sa trend or nagtetrending, kasi ito yung minsang ginawa ng isang tao, pero ginaya naman ng karamihan.

Kahit noon pa man na wala pang mga social medias, ganito na ang takbo ng mundo natin.
Mabuti man o masama, kapag nakita, nakakaimpluwensya sa iba.

Katulad ng nangyari dito sa Israel at Juda, nagkasala ang mga taga-Israel, ginaya din naman ito ng mga taga-Juda, at matindi pa nito ay nakita ng Diyos na ginawa ito ng Juda ng walang pag-aalinlangan dahil wala silang takot sa paggaya ng mga masasamang gawaing ito. Dahil ito nga ay sanhi ng impluwensya ng tao, nakitang ginawa ng iba, kaya ang akala ng iba, okay ng tularan,, at tanggap na, pero hindi dapat maging ganito ang buhay natin.

Huwag tayong mag pahatak sa mali, sa halip pagtagumpayan natin ang kasamaan sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
Imbis na masamang bagay ang gayahin natin, doon tayo sa mga mabubuting bagay.

Ganoon din naman sa kabilang banda, huwag tayong mamuhay ng wala aa katuwiran ng Panginoon, dahil sa ayaw man o gusto natin, laging may nagmamasid sa atin at ginagaya ang anumang gawin natin.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin. (Roma 12:2)

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon