"Pagtuklas, Pagsisisi, Pag-amin"

4 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 31:1-22

Verse for the day:
Jeremias 31:19
Lumayo kami sa inyo noon, pero nagsisisi na po kami ngayon. Nang malaman po namin na nagkasala kami, dinagukan po namin ang aming mga dibdib sa pagsisisi . Nahihiya po kami sa mga ginawa namin noong aming kabataan.”

"Pagtuklas, Pagsisisi, Pag-amin"

Ang totoong nakatuklas na siya'y nagkamali ay yung mga taong humantong sa pagsisisi at pag-amin sa mga nagawa niyang kasalanan.

Sa panahon natin napakaraming paraan upang magkasala at karamihan sa mga tukso ay abot kamay nalang natin. Tsaka may mga maling gawain na hindi na nakikitang kasalanan ngayon ng madla, ang iba ay normal nalang at isinama pa nga sa mga sinasabi nilang "USO NA o Yan na ang nasa TREND ngayon."

At kung paanong napadali ang pagkakasala ganoon naman naging mahirap ang pagsisisi para sa atin, dahil nga ito sa napakalakas na hatak o impluwensya ng sanlibutan. [Hindi na uso sa mga makamundo ang umamin sa kasalanan, at hindi narin pasok sa trend nila ang mahiya sa mga maling gawain.]

Kaya minsan, ang mga mananampalataya sa panahong ito ay nahahawa nadin at nadadala sa buhay Kristiyano ang ganitong pamamaraan na hindi naman dapat.

Pero tandaan natin na dahil sa salita ng Panginoon na natanggap natin ay natuto na tayong malaman kung ano nga ba ang kalooban ng Diyos at kung ano ang kalugod-lugod sa harapan Niya.
Alam natin kung ano ang tama at mali, kaya naman kapag nagkakasala tayo, alam natin na kasalanan nga ito! Pero mahalagang malaman na hindi sapat na alam lang natin na nagkasala tayo, sa halip, kagaya ng nakasaad sa kapitulong ito ng aklat ni Jeremias; Ang tunay na nakatuklas na siya'y nagkasala o nagkamali ay ang taong nagsisisi at umaamin sa nagawa niyang kasalanan.

Huwag tayong tumulad sa mundo na kapag nagkasala ay parang wala na lang. Huwag nating pahintulutang nakikita natin ang mali at mga kasalanan natin pero hindi naman tayo tunay na nakakalaya mula sa mga tanikala nito.

Ipagsisi nga natin ang ating mga kasalanan at aminin din natin na nagkamali nga tayo.
Sa ganitong paraan, makakapanumbalik nga tayo sa Panginoon!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon