"Madali ang pagbabago sa mga mapagpakumbabang puso"

4 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 8:1-22

Verse for the day:
Jeremias 8:4‭-‬5
Sinabi sa akin ng Panginoon na sabihin ko ito sa mga tao: “Kapag nadapa ang tao, hindi baʼt muli siyang bumabangon? Kapag naligaw siya, hindi baʼt muli siyang bumabalik? Pero kayong mga taga-Jerusalem, bakit patuloy kayong lumalayo sa akin? Bakit ayaw ninyong iwanan ang mga dios-diosan na dumadaya sa inyo at magbalik sa akin?

"Madali ang pagbabago sa mga mapagpakumbabang puso"

Pag-nagkamali ka itama mo, kapag nagkasala ka humingi ka ng tawad, ito ang nararapat gawin natin imbis na magpatay malisya sa mga nagawa nating hindi tama.

Kagaya ng nais iparating ng Diyos sa kapitulong ito, ang Kanyang bayan ay para bang walang balak manumbalik Sakanya, dahil patuloy lang sila sa paggawa ng mali na walang pag-aalinlangan.

Nakita sila ng Diyos sa estado kung saan ay kumikilos na sila ng hindi naaayon sa natural na tugon ng tao. Gaya ng halimbawa sa talatang nabanggit sa itaas; Kapag nadapa ang tao, hindi baʼt muli siyang bumabangon? Kapag naligaw siya, hindi baʼt muli siyang bumabalik? Pero ang mga taga-Jerusalem, ay patuloy na lumalayo Sakanya. At ayaw nilang iwanan ang mga dios-diosan na dumadaya sa kanila at magbalik sa Diyos.

Kaya naman mga kapatid, kung mapapansin natin, napakapayak lang ng pangangatwiran na ibinahagi ng Diyos dito, dahil totoo naman na ang pagtutuwid sa isang bagay na mali ay hindi kailangan ng napakatalinong pamamaraan, ang mahalaga lang ay ang isang pusong nagsisisi, at isang buhay na walang pagmamataas, kung taglay mo ito, malayang makakakilos ang Diyos sa buhay mo at tunay na matatanggap mo nga ang pagbabago na nais ng Diyos.

Kaya nga kapatid, gawin natin ang lahat ng paraan upang makamtan ang mga mabubuting asal na ito. Manatili tayo sa Panginoong Hesus upang makakuha tayo lagi ng inspirasyon at kapangyarihan upang malabanan ang anumang uri ng kasalanan.

Sa Diyos ang kapurihan!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon