Kindly read: Jeremias 41:1-18
Verse for the day:
Jeremias 41:2
tumayo si Ishmael na anak ni Netania at ang sampung kasama niya at pinatay nila si Gedalia na anak ni Ahikam at apo ni Shafan sa pamamagitan ng espada. Kaya napatay ang pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain."Pagsunod kahit mahirap ang dapat Gawin"
Huwag mong hadlangan ang nais gawin ng Panginoon, dahil ano man ito; magaan man o mahirap sa pakiramdam, kapag plano ng Diyos, ito ay para sa ikabubuti natin.
Ito ay ugma sa aral na nakuha natin mula sa mas naunang kapitulo. Dahil ito ay naglalaman ng isang karakter na nagngangalang Ishmael na imbis sumunod sa nais ng Diyos ay ginawa niya ang tingin niyang wasto sang-ayon sa kakayanan niyang umintindi.
Kaya imbis na lubusang magpasakop sa nais ng Diyos para sakanila na magpaalipin muna sa mga taga-Babilonia, si Ishmael nga ay gumawa ng pag-aaklas laban sa mga ito at pinatay ang tinalaga na gobernador (na si Gedalia) para sa buong lupain ng Juda.
Bukod kay Ishmael ay may mga kasama pa siya na ilang mga kababayan na hindi nais magpasakop sa mga taga-Babilonia.
Ito ang mga naging katulong niya upang gawin ang pag-aaklas. Nagkaisa sila para sa isang maling bagay, at ayun ay ang sumuway sa ipinapagawa sakanila ng Panginoon.Kaya nama mga kapatid, nawa ang aral na ito ay magsilbing babala at paalala nadin na hindi ibig sabihing mahirap at mabigat ang sitwasyon ay hindi na kalooban ng Diyos.
May mga bagay na mahirap na dapat pagdaanan ng bawat gaya ng disiplina ng Diyos na hindi natin dapat tanggihan o iwasan, dahil ito ay ibinibigay ng Diyos para sa ikabubuti natin at hindi sa ikapapahamak natin.Kailangan lang ay magtiwala tayo sakanyang kabutihan at pag-ibig para sa ating mga anak niya.
Huwag tayong gumaya sa mga taong makasarili na hindi kayang magpasakop sa Diyos na kapag ang pagdadaanan ay mga bagay na mahirap at hindi komportable, mas pinipili na ang sariling landas dahil tingin nilang mas makakabuti iyon para sakanila.
Huwag kapatid, sa halip ay magtapat tayo sa mga mahirap na sitwasyon, matuto tayong magtiis ng may pinanghahawakang pag-asa upang kahit sa mga mahihirap na sitwasyon ay mapapurihan padin ang ating Panginoon!
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...