Kindly read: Jeremias 10:17-22
Verse for the day:
Jeremias 10:20-25
Wasak na ang mga tolda natin; nalagot na ang mga tali nito. Iniwan na tayo ng mga anak natin. Wala nang natira na muling magtatayo ng mga toldang tinitirhan natin.” Nangyari ito sa atin dahil hangal ang mga pinuno natin. Hindi sila lumapit sa Panginoon para sumangguni. Kaya hindi sila nagtagumpay, at nangalat ang mga taong nasasakupan nila."Pray for Godly leaders"
Ang mga pinunong hindi marunong sumangguni sa Diyos ay magdadala ng kapahamakan sa kanyang nasasakupan.
Ito ang istorya ng bayan ng Diyos, mapa taga-Judah man ito o mga taga-Israel.
Kung magbabaliktanaw tayo sa mga nagdaang daily devotions, maaalala nating napag-aralan na natin ang kasaysayan ng mga hari sa Israel at Judah at may malinaw itong ipinakita; Kapag matuwid at marunong sumangguni sa Diyos ang nakaupong hari nila, sila'y umuunlad at nakakaiwas sa kapahamakan. Pero kapag ang hari ay pasimuno ng pagkakasala, tiyak na dumarating ang kapahamakan sa buong bansa.Nagpapakita lang ito ng kahalagahan ng pagkakaroon ng matutuwid na pinuno sa isang bansa.
Kaya naman sabi ng Kawikaan 29:2,
"Kapag matutuwid ang namamahala, nagdiriwang ang madla. Ngunit kapag ang nangunguna ay masama, silaʼy lumuluha."At kapag ang layunin ng hari ay katarungan, pinatatatag niya ang kanyang kaharian, ngunit kapag ang layunin niya ay humingi ng suhol, winawasak niya ang kanyang kaharian.
(Kawikaan 29:4)Kaya naman mga kapatid, magkaroon tayo ng concern patungkol sa leadership na mayroon tayo sa bansang ito. Maglaan nga tayo ng pananalangin para sa mga namumuno sa atin. Idulog nga natin sila sa Diyos nang sila ay lukuban ng katuwiran at mapuno sila ng takot sa Panginoon.
We need to pray like never before!
Lawakan natin ang ating mga pananaw at magsimulang lumakad sa pananampalataya.
Because as a church of God and the body of Christ, this is our job.Let us pray for Godly leaders.
To God be the glory, honor, and power!
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...