"Paglayo sa kasamaan"

2 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 47:1-7

Verse for the day:
Jeremias 47:4
Sapagkat darating ang araw na wawasakin ang lahat ng Filisteo pati ang mga kakampi nila na tumutulong sa kanila mula sa Tyre at Sidon. Wawasakin ng Panginoon ang mga Filisteo. Ito ang mga taong mula sa Caftor.

"Paglayo sa kasamaan"

Ang mga gumagawa ng masama at ang mga sumusuporta dito ay hangal at mangmang, dahil ang lahat ng ito ay hahatulan ng Diyos, at walang makakatakas sakanila.

Naglalaman ang kapitulong ito ng sulat laban sa mga Filisteo na isa sa mga matinding kalaban talaga ng bayan ng Diyos. Ang laman ng sulat ay patungkol sa gagawin ng Diyos sakanila bilang ganti sa kanilang mga maling ginawa.

Isa nanamang patunay na ang Diyos ay hindi nagpapabaya at makatarungan siya pagdating sa usapin ng wastong pamumuhay.

Hindi nais ng Diyos na may gumagawa ng masama sinuman at may sumusuporta dito, kaya ayaw niya ang ginawa ng nga Filisteo at ng ibang bansa na sumuporta sa maling gawain nila. Tiniyak ng Diyos na sila nga ay mapaparusahan at hindi makakatakas.

Isa itong seryosong usapin pero ito rin ay isang napakagandang paalala at babala para sa atin upang huwag na natin matularan ang maling landas na tinahak ng mga Filisteo upang tayo nga ay makaiwas sa galit ng Diyos na ibinubuhos niya sa mga taong masuwayin.

Kaya uulitin ko; Umiwas sa landas ng masama, at huwag sumuporta sa mga likong gawa.

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon