Kindly read: Jeremias 28:1-17
Verse for the day:
Jeremias 28:15-16
Pagkatapos, sinabi ni Propeta Jeremias kay Propeta Hanania, “Hanania, makinig ka! Hindi ka sinugo ng Panginoon , pero pinapaniwala mo ang bansang ito sa kasinungalingan mo. Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon , ‘Mawawala ka sa daigdig na ito. Mamamatay ka sa taon ding ito dahil tinuruan mo ang mga tao na magrebelde sa akin.’ ”"Maglingkod Anuman ang Sabihin ng Iba"
Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi laging kalugod-lugod sa paningin at pandinig ng iba. Dahil ang mga utos ng Diyos ay madalas patungkol sa pagputol ng mga tanikala at pagwasak ng mga bilangguan na dulot ng kasalanan ng mga tao.
Kaya madalas, kapag naglakad ang isang lingkod ng Diyos sa kalooban ng Panginoon, may mga taong hindi magugustuhan ito, lalo na yung mga taong ayaw magsuko ng buong buhay nila sa Diyos.
Kagaya na lamang ng sitwasyon ni Jeremias dito, kung saan siya ay muling nangaral ng mga bagay na talagang hindi kaaya-aya sa pandinig ng mga tao, dahil nga ito ay patungkol sa parusang darating. Pero habang may ipinadarating si Jeremias na mensahe sa mga tao, may isang propeta na nagngangalang Hanania ang kumontra sakanya, at nagpahayag ng pag-asa sa mga tao na taliwas sa nais ng Diyos para sa kanyang bayan.
Sa malamang maraming tao ang nagustuhan ang mensaheng dala niya kumpara sa dala ni Jeremias. Pero di naglaon, itong si Hanania ay kinausap ni Jeremias at ipinarating din sakanya na siya nga ay parurusahan din ng Diyos sa pagiging bulaan niya.
Ang istoryang ito ay maaring magdala ng hamon para sa bawat isa. Oo, maaaring ang mensaheng dala natin ay hindi katulad ng dala ng mga makamundo na nakakaakit at masarap sa tenga. Pero mga kapatid, ganun naman talaga, ang mahalaga lang alam natin kung para kanino talaga tayo naglilingkod, upang sa kabila ng lahat ay patuloy tayong makasunod sa kalooban ng Diyos, gaya nga ng ginawa ni Jeremias sa mga tagpo ring ito.
Tulungan nawa tayo ng Diyos na magawa din ang ganito sa ating mga personal na paglilingkod sakanya.
Purihin ang Diyos!
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualitéIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...