Good morning
Kindly read: Jeremias 5:1-31
Verse for the day:
Jeremias 5:11
Ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay hindi na tapat sa akin. Ako, ang Panginoon , ang nagsasabi nito."Aminin at magsisi"
Kapag ipinahayag na ng Diyos ang mali natin, wala ng saysay ang ipagtangol pa natin ang ating mga sarili o kaya naman ay mangatuwiran pa sa Kanya, sa halip ang marapat lang na gawin natin ay ang umamin sa ating pagkakamali at magsisi.
Sa kapitulong ito ay inexpose ng Diyos ang kasalanan ng Israel at Juda sa Kanya. Sinabi Niya na sila ay binigyan Niya ng lupain ngunit ng nandoon na sila, sumamba naman sila sa mga diyos-diyosan imbis na sa Kanya na nagbigay sa kanila nito.
Kaya naman tinawag sila ng Diyos na hindi mga tapat, isang pagpapahayag na pinagdiinan Niya sa kapitulong ito.
Maka-ilang beses na tayo naka-encounter ng mga ganitong kapahayagan mula sa mga aklat na nabasa natin sa Biblia at isa lang ang lagi nitong ipinapahiwatig; "HINDI BULAG ANG DIYOS."Ibig-sabihin, ang lahat ng kabutihan at kasamaan ay nakikita Niya. Hindi lang Siya basta nagmomonitor ng mga buhay ng mga nasa sanlibutan na iniisip nating hahatulan Niya, kundi pati na rin ng mga taong sumusunod sa Kanya.
Hindi Siya kagaya ng tao na makasanlibutan na kapag sinabing mahal niya ay para bang nabubulag ito at hindi na pinapansin ang mga masasamang gawa ng iniibig niya. [Para banv okay lang na gumawa ito ng masama, kasi mahalaga at importante ito sa kanya.]
Pero bilang mga anak ng Diyos, isa ito sa dapat nating malaman, malinaw na ipinapakilala ng Diyos ang Kanyang sarili mula sa Banal na kasulatan; "For God does not show favoritism." (Romans 2:11)
Kaya naman, huwag matigas ang ulo natin!
Kung naririnig natin ang pagtutuwid ng Diyos, magsisi tayo, dahil kung hindi, ito ang sinasabi ng Biblia;
But because of your stubbornness and your unrepentant heart, you are storing up wrath against yourself for the day of God’s wrath, when his righteous judgment will be revealed. God “will repay each person according to what they have done.” (Romans 2:5-6)
Kaya kagaya ng sinabi natin noong umpisa;
Kapag ipinahayag na ng Diyos ang mali natin, wala ng saysay ang ipagtangol pa natin ang ating mga sarili o kaya naman ay mangatuwiran pa sa Kanya, sa halip ang marapat lang na gawin natin ay ang umamin sa ating pagkakamali at magsisi.Purihin ang Diyos!
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...