"Kapahamakang dulot ng masamang gawa"

4 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 13:12-27

Verse for the day:
Jeremias 13:22
Kung tatanungin mo ang sarili mo kung bakit ka napahamak na parang babaeng pinunit ang damit at pinagsamantalahan, itoʼy dahil sa napakarami mong kasalanan.

"Kapahamakang dulot ng masamang gawa"

Kamangmangan ng tao ang nagpapahamak sa kanyang sarili, at pagkatapos sa Panginoon ibinabaling ang sisi. [Kawikaan 19:3]

Ito ang isa sa mga malungkot na reyalidad ng buhay sa mundong ito. Maraming tao ang hindi binibigyang pansin ang panawagan ng Diyos patungkol sa pagsisisi sa mga kasalanan, ngunit kapag dumating ang kaparusahan sa kanilang mga buhay, sasabihin naman nilang pinabayaan sila ng Diyos.

Pero kung papansinin natin ang katotohanang nakasulat sa Salita ng Diyos, ang kaparusahan ay ipinapataw lamang sa mga matitigas ang puso na ayaw magsisi at ang buhay na matiwasay naman ay ipinagkakaloob sa mga matutuwid.

Isa itong malalim na katotohanan, dahil ang kaparusahan at katiwasayan na binabanggit dito ay hindi lang patungkol sa kasalukuyan kundi patungkol din ito sa hinaharap.
Kaya maraming naguguluhan sa usaping ito dahil sa nakatuon lang tayo sa present time, kaya naman mga kapatid nais kong ipaalala sa inyo na tayo'y mga tinubos na ng Diyos sa kasalanan upang maihiwalat niya sa masamang mundong ito.

Oo, totoong may mga matutuwid ang maaring makaranas ng hirap sa panahong ito, pero gaya ng pangako ng Diyos sa kanyang salita, hindi tayo mapapahamak gaya ng masasama, na ang ibig sabihin ay hindi tayo makakaranas ng kaparusahan ng kasalanan, sa halip ay tatanggapin natin ang pangako ng Diyos na buhay na walang hanggan, isang buhay sa piling Niya, masagana, matiwasay, at puno ng kapayapaan.

Kaya mga kapatid, huwag tayong mapagal sa paggawa ng mabuti, dahil darating ang panahon na ihahayag ang lahat ng ating mga gawa, mabuti man ito o masama, at lahat tayo ay haharap sa hukuman ng Diyos at doon ay magsusulit. Pagkatapos nito, doon talaga mararanasan ng tao ang totoong katiwasayan at totoong kaparusahan.

Kilalanin mo si Hesus bilang Panginoon nang hindi ka maligaw ng landas. Dahil Siya lang ang makapagtuturo sa atin ng mga bagay na magbibigay ng lugod sa Diyos Ama.

Sa Kanya ang kapurihan!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon