"No to Idolatry"

5 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 10:1-16

Verse for the day:
Jeremias 10:5
Ang mga dios-diosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga dios-diosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.”

"No to Idolatry"

Ang sin of idolatry ay isa sa mga tinatalakay sa loob ng simbahan dahil isa ito sa pinaka-kinamumuhian ng Panginoon. [Dahil isa din ito sa mga pangunahing utos ng Diyos na huwag gagawin ng tao noon pa man.]

At alam natin na ang dios-diosan ay maaring lumitaw sa ibat-ibang klaseng anyo.

At base sa salita ng Panginoon, ito ang mga ilang anyo ng dios-diosan na maari nating ma-encounter; sekswal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa at kasakiman.

Kaya nga ganito ang sinabi ni Apostol Pablo sa kanyang sulat:
"Kaya patayin nʼyo na ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang sekswal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga dios-diosan." (Colosas 3:5)

Ang common denominator ng lahat ng nabanggit na kasalanan sa itaas ay ito; lahat ay nagbibigay lugod sa katawan natin na siyang dahilan para mapukaw nito ang malaking parte ng ating atensyon na humahantong minsan sa pagtatwa ng isang tao sa relasyon niya sa Diyos o sa mga bagay na dapat niyang gawin para sa kaharian ng Panginoon.[ And clearly, that is idolatry, dahil naisantabi ang Diyos kapalit ng mga bagay na makamundo.]

Kaya naman mga kapatid, ano ba ang mga tingin mong dios-diosan ng buhay mo?
Isuko mo yan sa Diyos! Dahil gaya ng babala ng Panginoon sa kanyang bayan, mapapahamak ang sinumang tumalikod Sakanya ng dahil sa pagsamba sa mga dios-diosan.

Huwag tayong padaya!
Idolatry will seduce us by giving us the pleasures that we want, but behind those pleasures, we will lose our relationship to our good Lord, which is the only true God.

So be wise! Don't lose your everything just to gain something pleasurable in the flesh. But rather, be willing to lose something that leads you to idolatry so you can gain your everything which is God.

All glory to God!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon