"Mangyayari kapag ang Diyos ang Nagsabi"

4 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 51:59-64

Verse for the day:
Jeremias 51:64
At sabihin mo, ‘Ganyan ang mangyayari sa Babilonia, lulubog ito at hindi na lilitaw pa dahil sa mga kapahamakang ipararanas ng Panginoon sa kanya. Mamamatay ang mga mamamayan niya.’ ” Ito ang katapusan ng mensahe ni Jeremias.

"Mangyayari kapag ang Diyos ang Nagsabi"

Ang salita ng Diyos ay masasandalang tunay, dahil anuman ang sabihin niya ay tiyak na mangyayari, kaya mapalad ang taong nagtitiwala sa mga pangako ng Panginoon ngunit kawawa ang taong hahatulan ng Diyos dahil sakanilang katigasan ng ulo.

Ang kapitulong ito ay naglalaman ng mga salita na laban sa mga taga-Babilonia bilang pagpapamalas ng Diyos ng kanyang katarungan para sa mga bansang pinahirapan at winasak nila.

Ito ay para bang naging sumpa na sa buong lupain nila. Dahil kung pag-aaralan natin ang lupaing kinatitirikan ng sinaunang Babilonia noon ito ay nasa lokasyon ng bansang Iraq sa panahon natin ngayon.

At base sa pag-aaral, ang bansang Iraq ay isang masaganang bansa kung ang pag-uusapan ay ang produksyon ng langis, pero sa kabila ng yamang mineral na mayroon sila, hindi parin sila makaahon sa kahirapan na dulot ng mga digmaan at rebelyon na mayroon sa loob ng kanilang bansa.
At bilang mga mananampalataya na naniniwala sa kapangyarihan ng salita ng Diyos, makikita natin na ang sumpang binitiwan ng Diyos noon ay gumagana hanggang ngayon at nararanasan sa lupain ng Babilonia. [Na kahit ano pang gawing paghahanda ng mga taga rito o gaano man ang taglayin nilang kayamanan, hindi parin nila matatakasan ang dineklara ng Panginoon laban sakanila.]

Kaya nawa ito ay magdala ng aral at babala para sa ating lahat upang huwag nating gawing biro ang Salita ng Panginoon.

Hayaan mo na maging layunin nating mabigyang lugod ang Diyos upang ang matanggap nating salita mula sakanya ay para sa ikabubuti natin dahil ang tunay na ang salita niya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Gaya ng sinabi Niya sa Ezekiel 12:25;
"Sapagkat kapag ako, ang Panginoon ay nagsalita, tiyak na mangyayari.."

Kahit anong sabihin ng iba sa'yo o kahit hatulan ka man ng mundo, ang magdidikta padin ng mangyayari sa kinabukasan mo ay kung ano ang sasabihin ng Diyos. Kaya piliin mong magtiwala sakanya at talikuran na ang buhay na magdadala ng sumpa sa iyong buhay.

Purihin ang Panginoon!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon