"Pag-asa at tiwala sa Diyos ituon"

2 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 17:1-18

Verse for the day:
Jeremias 17:7‭-‬8
Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin. Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.

"Pag-asa at tiwala sa Diyos ituon"

Ang taong may tiwala at pag-asa na nagmumula sa Diyos ay matatag at hindi kayang tinagin ng anumang pagsubok.

Ito na yata ang isa sa mga nais talaga nating maging katangian sa buhay na ito, ang maging matatag. Pero mahirap ito lalo na't madalas tayong sinusubok ng mga tukso at problema ng buhay, walang schedule, walang eksaktong lebel, bigla nalang dumarating.
Kaya naman ay marami ang nabibigla at napapabagsak ng mga ito.

Pero hindi naman lahat, dahil mayroon din namang mga tao na nakakapagtagumpay at nakakalagpas sa mga problema at pagsubok. Ngunit ang tanong ay kung papaano nila ito nagagawa? Tsaka gusto mo rin bang maging katulad nila na mananagumpay?

Kung "Oo" ang iyong sagot, purihin ang Diyos! Dahil iyon naman talaga ang kalooban Niya sa atin, ang maging matatag sa buhay na ito.

At kagaya ng nakasulat sa kapitulong ito, bukod sa bansag na "mananagumpay", ang magiging tawag sa atin ay ang mga "mapapalad", na ang ibig sabihin ay pinapaboran ng Diyos.
Pero sabi nga din sa kapitulong ito, ang mga taong ituturing na mapalad ay yung mga tao na nagtitiwala at umaasa sa Diyos lamang.

Kaya naman mga kapatid, hinihikayat ko ulit kayong muling ilagak ang iyong pag,asa at tiwala sa Diyos upang kung anuman ang mangyari, katulad tayo ng isang puno na nakatanim sa tabi ng ilog na laging nananariwa ang mga dahon.

Anuman ang damdamin mo ngayon, nais kong palakasin ang loob mo.
Kayo mo yan, magtatagumpay ka, magtiwala ka lang at umasa sa Diyos; manatiling sariwa, manatiling mapalad!

Purihin ang Panginoon!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon