Kindly read: Jeremias 40:7-16
Verse for the day:
Jeremias 40:9
Sumumpa sa kanila si Gedalia na hindi sila mapapahamak kung magpapasakop sila sa mga taga-Babilonia. Sinabi niya sa kanila, “Manirahan kayo rito sa lupaing ito at maglingkod kayo sa hari ng Babilonia, at mapapabuti kayo."Matutong makinig | Makinig upang matuto"
Ang taong nagmamarunong ay malapit sa pagkakamali, dahil sarili lang niya ang pinagkakatiwalaan niya at hindi siya marunong tumanggap ng paalala at ng payo ng iba.
Sa kapitulong ito makikita natin kung paanong hindi matuto-tuto ang bayan ng Diyos. Dahil sa kabila ng nasaksihan na nila ang katuparan ng mga hula ni Jeremias patungkol sa pagsakop sakanila ng mga taga-Babilonia. Pero may mga ilan parin na hindi pinaniniwalaan ang payong ibinigay ni Jeremias; ang magpasakop sila sa mga taga-Babilonia upang makapamuhay sila ng matiwasay. (Dahil gagamitin ng Diyos ang mga taon ng kanilang pagkakaalipin upang sila nga ay turuang makapanumbalik ng husto Sakanya at sa pagsamba sa tunay na Diyos.)
Hanggang sa tagpong ito ay matigas ang ulo nila at nananatiling nagdedesisyon sang-ayon lamang sa nais nilang gawin at sang-ayon sa tingin nilang tama. [Kahit may mga patunay na sa paligid nila na ang pahayag ni Propeta Jeremias ay mapapanaligan, hindi parin sila nakinig sa mga payon niya.]
Kapatid, mahalagang maintindihan natin ito.
Dahil ang ganitong ugali ay dapat maiwasan, dahil kapag ito ay tinaglay ng isang tao, may kalakip itong espiritwal na pagkabulag, pagkabulag dahil ang ugaling ito ay hindi kapansin-pansin para sa mga taong nagtataglay nito.Kaya naman, hangga't maari, maiwasan at itatwa natin ang magkaroon ng ganitong katangian. Lagi nating turuan ang sarili nating magpakumbaba at magpasakop sa Diyos. Dahil kung magagawa natin ito, dadaloy ang mga magandang katangian na ito maging sa relasyon natin sa ating mga kapwa.
Uulitin ko; "Ang taong nagmamarunong ay malapit sa pagkakamali, dahil sarili lang niya ang pinagkakatiwalaan niya at hindi siya marunong tumanggap ng paalala at ng payo ng iba."
Mali ito, kaya dapat iwasan!
Tulungan tayo ng Panginoon na makapamuhay sa katuwiran Niya.
Sakanya ang kapurihan!
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...