"Beware of False-hope"

4 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 14:1-22

Verse for the day:
Jeremias 14:19
O  Panginoon , talaga bang itinakwil nʼyo na ang Juda? Talaga bang galit po kayo sa Jerusalem? Bakit nʼyo po kami pinarusahan ng ganito at parang wala na kaming pag-asang gumaling? Umasa po kaming bibigyan nʼyo kami ng kapayapaan, pero hindi naman ito dumating. Umasa po kaming mapapabuti ang kalagayan namin, pero takot ang dumating sa amin.

"Beware of False-hope"

False-hope, isa ito sa mga talamak na sangkap ng mga mensahe sa panahon natin ngayon. Mapa-anumang larangan ay laging tayong makakakita at makakarinig nito, at marami na nga ang nabiktima nito dahil nga sa gusto natin ng magandang hinaharap at matiwasay na buhay, kaya naman mabilis tayong maakit kapag ang mensaheng nadirinig natin ay puno ng pag-asa.

Pero alam naman natin na ang isang magandang kinabukasan ay may mataas na halaga at nanghihingi ng pagsisikap, hindi lang sa usaping panlupa o pang materyal na mga bagay kundi pati narin na sa mga espiritwal o mga makalangit na usapin.

Kagaya ng nabanggit sa kapitulong ito; nangaral ang mga propeta ng magandang kinabukasan ngunit hindi naman sila nanghikayat na magsisi ang mga tao.
Itinago nila ang nararapat gawin sa harap ng Diyos, sa halip ipinangaral lang nila kung ano ang masarap sa pandinig ng mga tao.

Dalawa ang babalang ipinaparating sa atin nito.
Una, huwag tayong maging daluyan ng false-hope, share what is true! Sabihin natin sa mga tao na wastong pamumuhay ang nais ng Diyos mula sa atin nang matanggap nga natin ang mga bagay na pinangako Niya.
Pangalawa, huwag tayong maging uhaw lang sa pagpapala o mga magagandang mensahe, sa halip ay mauhaw tayo sa katuwiran ng Diyos at magalak tayo sa mga pagtutuwid at pagtuturo na mula sakanya.

Dahil ito ang nais ng Panginoon, ang isang buhay na buo at balanse sang-ayon sa Kanyang mga salita.

Kaya mga kapatid, tayo nga ay magsisi at manumbalik sa Diyos! Dahil higit sa lahat ng pagpapala at ng anumang uri ng pag-asa, Siya ang pinaka-gantimpala natin sa lahat! Ang magkaroon ng maayos na relasyon Sakanya ang ating kayamanan, kaya ito nga ay ating ingatan!

Sa Diyos ang lahat ng kapurihan! Sakanya na ating tunay na pag-asa!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon