Kindly read: Jeremias 11:18-23
Verse for the day:
Jeremias 11:20
Pero nanalangin ako , "O Panginoong Makapangyarihan, matuwid po ang paghatol ninyo. Nalalaman po ninyo ang isip at puso ng tao. Ipakita nʼyo po sa akin ang paghihiganti nʼyo sa kanila, dahil ipinaubaya ko sa inyo ang usaping ito!""Ipaubaya mo sa Diyos"
Ipaubaya mo sa Diyos ang anumang maaring magbigay sa'yo ng takot, galit, o anumang uri ng pangamba at negatibong damdamin.
Kagaya ng ginawa ni Jeremias sa kapitulong ito kung saan ay nalaman niya na may nagtatangka ng buhay niya sa kadahilanang galit ang mga tao sa mensaheng ipinapahayag niya.
Ikaw ba? Mayroon ka din bang mga narinig o mga naranasan na nakapagbigay o maaring makapagbigay ng kabigatan sa'yong damdamin.
Kapatid! Ipaubaya mo sa Diyos ang lahat ng usaping iyan! Tularan natin ang ginawa ni Jeremias sa tagpo ng buhay niyang ito.At kagaya din ng sinabi ni Apostol Pablo,
Beloved, never avenge yourselves, but leave it to the wrath of God, for it is written, "Vengeance is mine, I will repay, says the Lord." (Romans 12:19)Uulitin ko, ipaubaya mo sa Diyos, leave it to the wrath of God. Huwag mong dungisan ang bibig, kamay, o anumang parte ng iyong katawan, manatili kang malinis, iyan ang pinakamabisang pagtatanggol at pag-iingat sa iyong sarili.
------------------
Sinabi ng Panginoon , "Parurusahan ko ang mundo dahil sa kasamaan nito. Parurusahan ko ang mga makasalanan dahil sa kanilang kasalanan. Wawakasan ko ang kahambugan ng mayayabang. Patitigilin ko ang pagmamataas ng mga taong malupit.(Isaias 13:11)
Ang taong masama, tiyak na parurusahan, ngunit ang matuwid ay makakaligtas.(Kawikaan 11:21)
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritüelIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...