Kindly read: Jeremias 46:1-28
Verse for the day:
Jeremias 46:28
Kaya huwag kayong matakot, kayong mga lahi ng lingkod kong si Jacob, dahil kasama ninyo ako. Wawasakin ko nang lubusan ang mga bansang pinangalatan ko sa inyo, pero hindi ko kayo wawasakin nang lubusan. Parurusahan ko kayo nang nararapat. Hindi maaaring hindi ko kayo parusahan. Ako, ang Panginoon , ang nagsabi nito.”"Magtiwala sa paraan ng Diyos"
Ang parusa ay mas magaan kaysa kabayaran ng kasalanan, kaya mahalagang maintindihan nating ito ay marapat lang nating tanggapin ng maluwag sa kalooban, dahil ito naman ay para sa ikatutuwid din natin.
Muling nagsalita ang Diyos kay Jeremias upang maiparating niya sakanyang bayan na sila nga ay nagkamali at marapat lang parusahan upang magising sila sa katotohanan.
Maraming beses na ang bansa ng Panginoon ay nagsasawalang bahala sa mga panawagan ng Diyos na magsisi, kaya imbis na manumbalik sa Panginoon, gumagawa pa sila ng mga desisyon na lalo nilang ikalulugmok sa kasalanan.
Kagaya na lamang ng pagpunta nila sa Egipto habang ang lupain nila ay sinasakop na ng mga taga-Babilonia. Isa ito sa mga dagdag na kasalanang ginawa nila na talagang nakapagpabigat ng kanilang parusa.
Pero purihin padin ang Diyos, dahil imbis na pagbayarin sila ng lubusan na katumbas ng kanilang mga ginawa, pinili nalang ng Panginoon na sila nga ay parusahan ng nararapat sakanila.
Ito ay 'di hamak na mas magaan kumpara sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan na dapat nilang panagutan. Dahil kung tutuusin, base sa mga naunang pahayag ng Diyos at sa kanyang damdamin, sila ay hindi malabong tuluyang binura na dapat ng Diyos sa mundong ito, pero dahil sa mabiyayang kalooban ng Diyos, sila nga ay parurusahan nalang sang-ayon sa kanilang mga ginawa.
At ito ay hindi maaring lagpasan ng Diyos, dahil ito ay nararapat na gawin sa sinumang nagkasala sakanya.Ang Diyos ay may iba't ibang paraan upang ito nga ay bigyan ng katuparan, kaya bilang mga tinuring na anak Niya, magtiwala tayo sakanya, dahil hindi niya tayo ipapahamak.
Maaring masaktan tayo at malagay sa isang hindi komportableng sitwasyon dahil dito pero isa ang tiyak: Alam ng Diyos ang ginagawa Niya, at hindi siya kailanman magkakamali. Ang kailangan lang ay magtiwala tayo sa Diyos, hindi lang sa paraan niya ng pagpapala, kundi maging sa paraan niya ng pagpaparusa.
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...