Kindly read: Jeremias 21:1-14
Verse for the day:
Jeremias 21:14
Pero parurusahan ko kayo ayon sa mga ginagawa ninyo. Susunugin ko ang inyong mga kagubatan hanggang sa ang lahat ng nakapalibot sa inyo ay matupok. Ako, ang Panginoon , ang nagsasabi nito.”"Please God by being obedient"
Kung mapapansin niyo, ang verse sa itaas ay para bang napakabigat. Dahil ito ay muling pagpapahayag ng galit ng Diyos sa bayan niyang nalulong sa kasamaan.
And take note, si Jeremias lang naman ang muling nagsabi nito.
Yes, si Jeremias, ang isa sa mga batang propeta na pinili ng Diyos.
At siya lang din naman yung propeta na nabanggit sa mas naunang kapitulo bago ang kapitulong ito na naglalaman ng istorya patungkol sa pagbugbog at pagbibilanggo sakanya dahil sa pangangaral niya ng Salita ng Diyos na hindi nagustuhan ng kanyang mga kababayan.Pero ito nanaman siya, para bang walang kadala-dala. Muling nangangaral ng mabibigat na salita na alam niyang mula sa Diyos, at ginagawa niya ito na para bang walang nangyaring masama sakanya nang minsan niyang ginawa din ito noon.
Mga mahal kong kapatid, kung ikaw ba ang tatanungin? Uulit ka pa ba sa isang bagay na alam mong minsan ng nagdulot sa'yo ng hindi magandang karanasan?
Marahil ang sagot natin diyan ay; Dipende.
Dahil totoo nga naman, dipende ito kung gaano kahalaga o gaano natin kanais gawin ang bagay na iyon.Pero kung ilalagay ka sa sitwasyon ni Jeremias na mahirap, at medyo risky, at walang cash prize o anumang material na benepisyo, tutuloy ka padin ba?
Kung ang tanging gantimpala ay ang ngiti ng Diyos at kaluguran niya sa'yo?Sana, Oo.
Kasi sa totoo lang, naghahanap ang Diyos ng mga ganitong klaseng lingkod.
Mga taong kayang tumiis ng hirap at magtiyaga para Sakanya, makapaglingkod lang.Kagaya ni Jeremias na handang sumunod sa Diyos kahit sa mga panahon na mahirap.
At marahil ito ang isang aral na maari nating tandaan mula sa istoryang ito: "Don't trade God's pleasure for man's approval."
Tandaan mo; Magalit na ang sinuman sa'yo, huwag lang ang Diyos.
Hindi ka man kasiyahan ng iba o hindi ka man ang dahilan ng ikangingiti ng iba, ang mahalaga, napapasaya at napapangiti mo ang Diyos.Sana makita mong sapat yan sa buhay mo.
Kaya naman sa tagpong ito, Imitate Jeremiah's obedience, kailangan natin itong mailagay sa ating pagkatao, dahil mabuti itong ugali para sa atin bilang mga Kristiyano.
Purihin ang Diyos!
BINABASA MO ANG
Book of Jeremiah (Devotional guide)
SpiritualIto ay isinulat upang makatulong sa mga kristiyanong nais maintindihan ang lumang tipan at matuto mula rito ng mga bagay na maaring makaambag sa pagpapalago ng buhay espiritwal at makapagpalapit sa atin ng lalo sa Panginoon. Ito ay nakalaan ding gum...