"Kalinga at kalakasan [Free]"

6 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 16:1-21

Verse for the day:
Jeremias 16:19
Sinabi ko, “O Panginoon , kayo po ang kalakasan at tagapagkalinga ko sa panahon ng pagdadalamhati. Lalapit po sa inyo ang mga bansa mula sa buong mundo at sasabihin nila, ‘Walang kwenta ang mga dios-diosan ng aming mga ninuno. Wala silang nagawa na anumang kabutihan.

"Kalinga at kalakasan [Free]"  

Ang kalakasan at kalinga na kailangan natin ay sa Diyos matatagpuan, pero ang tanong; Paano ito makukuha o matatanggap mula sakanya?

Sa mundong ginagalawan natin ay proseso ang dapat pagdaanan para makuha natin ang isang bagay, lalo na kapag ang usapin ay pagkuha ng benipisyo.

Nandyan ang kakailanganin mo ng mga legal na dokumento at mga pagpapatunay ng iyong pagkatao, at di lang iyon, kailangan mo ding pumunta minsan sa isang partikular na opisina o lugar para doon mismo makuha ang benipisyo na kailangan mo.
Ganito kapag ang transakyon ay pisikal, pero paano nga ba kapag sa Diyos na di nakikita mangagaling ang benipisyo na kailangan natin? Katulad ng natanggap ni Jeremias na kalakasan at kalinga.

Dalawang bagay lang naman ang mapapansin natin sa kapitulong ito; Una ay, Nagsalita si Jeremias sa Diyos, pangalawa ay nagsalita din naman sakanya ang Diyos.

Naniniwala ako na ang kalinga na nararamdaman ni Jeremias ay natatanggap niya sa tagpong nakapaglalabas siya ng mga saloobin niya sa Diyos.
At ang kalakasan naman ay nakukuha niya sa tagpong nagsasalita na sakanya ang Diyos.

Kaya naman dito papasok ang dalawang bagay na maari nating gawin upang matanggap din ang kailangan nating kalinga at kalakasan na magmumula sa Diyos.

Una ay ang pananalangin.
Manalangin ka sa tuwing ikaw nga ay dumaranas ng pagdadalamhati at anumang uri ng hindi magandang emosyon.
Sabihin mo sa Diyos ang lahat ng bagay na bumabagabag at nagpapabigat ng yung kalooban. At tiyak na doon, mararamdaman mo ang kalinga ng Diyos, dahil kagaya ng sinabi sakanyang salita, "Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo."
Ito ay nagbibigay ng kasiguraduhan sating pinapakinggan ng Diyos ang bawat hinaing natin, na siyang una na nakapagpaparamdam sa atin ng totoong kalinga.

Pangalawa ay ang pagbabasa ng Salita ng Diyos.
Dahil tanggapin natin ang reyalidad, hindi lahat ng tao ay bukas ang espiritwal na tainga. Kaya hindi lahat nadirinig ang boses ng Diyos.
Pero huwag kayong mag-alala, dahil ang pangungusap ng Diyos ay ginagawa din Niya sa pamamagitan ng kung ano na ang nakasulat sa Biblia.
Gusto mong malaman kung ano ang sinasabi sa'yo ng Diyos?
Magbasa ka ng Biblia. Dahil ika nga nila, when we pray, we speak to God, but when we read the Bible, God speaks to us.
At gaya din ng topic natin sa umagang ito.
Kapag narinig natin ang salita ng Diyos para sa atin, doon manggagaling ang kalakasan na kailangan natin.

Kaya mga kapatid, muli ko kayong hinihikayat na maglaan at magtalaga tayo ng panahon para sa pananalangin at pagbabasa ng Salita ng Diyos, dahil dito tunay na manggagaling ang kalinga at kalakasan na kakailanganin natin sa buhay na ito.

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon