"Ang Pangako ng Diyos sa pagitan ng Problema at Parusa"

1 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 23:1-8

Verse for the day:
Jeremias 23:5
Sinabi pa ng Panginoon , “Darating ang araw na paghahariin ko ang isang hari na matuwid na mula sa angkan ni David. Maghahari siyang may karunungan, at paiiralin niya ang katuwiran at katarungan sa lupaing ito.

"Ang Pangako ng Diyos sa pagitan ng Problema at Parusa"

Ang problema, pasakit, at parusa ay mga bagay na maaaring maranasan ng isang taong namumuhay sa kasalanan, pero dahil sa pagmamahal ng Diyos, bago pa man dumating ito, nagbibigay siya ng mga pagkakataon upang ang sinumang makasalanan ay makapagsisi. At kasabay ng mga pagkakataong ito ay ang kapahayagan ng kanyang mga pangako, pag-asa, at proteksyon na nais parin niyang ipagka-loob sa sinumang makasalanang nais manunbalik sakanya.

Ang kapitulong ito ang isa sa mga patunay na bago pa man maranasan o ibuhos sa bayan ng Diyos ang parusa, ipinahayag Niya muna ang pangako Niya patungkol sa paghahari ng isang matuwid na hari [na tumutukoy sa Kanyang bugtong na Anak, ang Panginoong Hesus.]

Isa itong propesiya sa hinaharap, pero naniniwala din akong isa parin itong panawagan ng Diyos sakanyang bayan ng mga panahong iyon!
Isipin niyo, sinasabi ni Jeremias sakanila na parating na ang parusa ng Diyos, pero pagkatapos ay biglang sasabihin din naman  niya ang pangako ng Diyos na kalayaan.
Ito ay dahil sa tagpong iyon ay binibigyan pa sila ng Diyos ng pagkakataon na makapagsisi. Ipinapadama sakanila ng Diyos na kahit nakaamba na ang parusa, mahal padin talaga sila ng Diyos.

At alam mo ba na hanggang sa panahong ito, ganoon padin ang Diyos sa bawat isa sa atin?
Oo, totoo ang devotion natin kahapon patungkol sa mga babala at paalala ng Diyos patungkol sa maaring mangyaring masama sa mga nagkakasala, pero totoo din naman na kasabay ng mga ito, hihikayatin parin tayo ng Diyos na magsisi sa pamamagitan ng pagsasabi Niya ng kanyang mga pangako na tiyak Niyang tutuparin sa sinumang naniniwala.

Kaya kapatid, gusto mo ba ng PAGLAYA sa kasalanan, takot, at iba pang mga bagay na hindi maganda? Isa lang ang maipapayo ko sa'yo ngayon, ilapit mo ang iyong sarili sa mga PANGAKO ng Diyos.

Dahil ito ang totoo: Ang PAGLAYA ay POSIBLE sa mga taong may PANINIWALA sa mga PANGAKO ng Diyos.

Maniwala ka kapatid sa bawat PANGAKO ng Diyos. Huwag mong hayaan na ang problema, parusa, at pasakit ang iyong kahantungan at maranasan, sa halip ay makinig ka sa mga pangako ng Diyos at panghawakan mo ang mga ito at hayaan mong maghatid nga ito sa iyo ng paglaya sa mga bagay na kumukulong sa iyo.

----------

Friday na, kumusta ka?
Lagi mong tandaan; Kaya yan!
Basta tuloy lang kapatid and keep the faith!

Peace be with you.

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon