"Pagsunod sa Diyos na hindi Nakikita"

4 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 35:1-19

Verse for the day:
Jeremias 35:16
Sumunod sa utos ni Jonadab ang mga angkan niyang anak ni Recab. Pero kayoʼy hindi sumunod sa akin.

"Pagsunod sa Diyos na hindi Nakikita"

Ang pagsunod o pagpapasakop na kaya nating ibigay sa kapwa nating mas mataas ang posisyon sa atin ay isang magandang bagay, pero mahalagang maintindihan natin na ito ay higit dapat nating naipamamalas sa Diyos na siyang pinaka-mataas sa ating lahat.

Sa kapitulong ito ay nagkaroon ng balik-tanaw sa isa sa mga pangungusap ng Diyos sakanyang bayan bago pa man dumating ang araw ng pagsakop ng mga taga-Babilonia.

Dito ay muling nakatanggap si Jeremias ng utos mula sa Panginoon; pinapunta siya sa angkan ng mga Recabita upang sila nga ay aluking uminom ng alak, pero ang mga ito ay tumanggi. (Dahil ang nais lang ipakita dito ng Diyos kay Jeremias at sa bayan niya ay ang pagkakaroon ng masidhing damdamin ng angkang ito na manatiling tapat sa pagsunod sa utos ng kanilang ninuno na si Jonadab [Siya ang nagturo sa kanila na mamuhay ng simple at umiwas sa pag-inom anumang uri ng alak.] )

At pagkatapos ngang mamalas ni Jeremias ang napakatinding panata ng angkang ito, dumeretso siya sa pangangaral sa bayan ng Diyos upang iparating nga sakanila na may ganito pang klase ng angkan sa mga kababayan nila, isang pamilya na patuloy na namumuhay ng may disiplina at pagsunod sa mga alituntunin ng kanilang ninunong si Jonadab, hindi kagaya ng bayan ng Diyos na patuloy na lumalayo sakanya at sumusuway sa mga utos niya.

Ginawa nga ito ng Diyos na halimbawa sakanila; "Sumunod sa utos ni Jonadab ang mga angkan niyang anak ni Recab. Pero kayoʼy hindi sumunod sa akin."

Mga kapatid, nawa maintindihan natin ang nais iparating dito ng Diyos.
Kung pagsunod lang at pagpapasakop ang pag-uusapan, kaya naman talaga natin itong gawin. Yun nga lang, pinipili natin kung kanino tayo susunod at magpapasakop, pero sana huwag tayong tumulad sa bayan ng Diyos! Sumunod nga tayo sakanya at magpasakop sa kanyang kalooban.

Kung paanong magaling tayo sa pagsunod sa taong mas mataas ang posisyon sa atin sa buhay na ito, nawa ito nga ay maging kaugalian din natin sa Diyos na siyang dapat na higit nating pinararangalan.

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon