"Huminto sa paggawa [Come near to God]"

3 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 17:19-27

Verse for the day:
Jeremias 17:21‭-‬22
Ito ang sinasabi ng Panginoon : Kung pinahahalagahan ninyo ang inyong sarili, huwag kayong magtatrabaho o magdadala ng anumang mga paninda sa mga pintuan ng Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga. Totoo yan, huwag kayong magtatrabaho o magdadala ng mga paninda mula sa mga bahay nʼyo sa araw na ito. Ituring nʼyo itong natatanging araw. Iniutos ko ito sa mga ninuno nʼyo,

"Huminto sa paggawa [Come near to God]"

May kanya-kanya tayong paraan kung paano tayo magpahalaga ng ating mga sarili.
May mga dinadaan ito sa mga materyal na bagay, gaya ng pagbili ng mga magaganda at magagarang mga damit, sapatos, gadgets, o kaya naman ay pagbili ng mga masasarap na pagkain o inumin.
At ang iba naman ay pinapahalagahan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng specific time para magawa nila kung ano yung mga gusto nilang gawin.

Ang mga paraang ito ay parte lamang ng ginagawa nating proteksyon sa ating mga sarili upang hindi tayo mapinsala ng anuman, pisikal man ito, o emosyonal na usapan.

In short, this is how we value ourselves; We provide what we need, and we get what we want.

Pero ito ang totoo; Hindi lahat ng paraan natin ng pagpapahalaga sa ating sarili ay wasto. May mga ilan na imbis na makabuti, nakakasama pa nga sa atin.

At kagaya nga ng binanggit dito mga kapatid,
Kung nais talaga nating pahalagahan ang ating mga sarili, proteksyunan natin ito sa pamamagitan ng pagpapasakop sa batas ng Diyos. Kung hinihiling ng Diyos na kilalanin natin ang araw ng pamamahinga, at maglaan talaga ng panahon sa Kanya sa araw na ito, bakit hindi diba? Lalo na't kung dito nga natin talaga mararanasan ang totoong proteksyon at totoong pagpapahalaga sa buhay na mayroon tayo.

Kaya naman mga kapatid, kung ikaw man ay masyadong busy na dumarating sa punto na napapabayaan mo na ang oras mo para sa Diyos, ihinto mo muna yan at manumbalik ka sakanya. Pahalagahan mo sarili mo, at ilayo mo sa kapahamakan na maaaring idulot ng pagsuway!

Sundin natin ang payo ng Diyos.
Kilalanin natin ang Araw ng pamamahinga at magbigay tayo ng panahon sakanya. Itigil natin ang paggawa dahil dapat nating papurihan ang Diyos na siyang sa atin ay maylikha. Purihin ang Diyos!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon