"Huwag mang-aapi"

2 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 50:1-20

Verse for the day:
Jeremias 50:15
Sumigaw kayo laban sa kanya sa lahat ng dako! Tingnan nʼyo! Sumuko na ang Babilonia! Nawawasak na ang mga tore niya at gumuho na ang mga pader niya. Ang Panginoon ang naghiganti sa kanya. Kaya paghigantihan ninyo siya at gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa iba.

"Huwag mang-aapi"

Ang pang-aapi ay parang binhi na itinatanim dahil balang araw ito ay aanihin at mararanasan din ng gumawa nito.

Ang kapitulong ito ay naglalaman ng mensahe ng Diyos sa mga taga-Babilonia. Dito ipinahayag ng Panginoon kay Jeremias ang mangyayari laban sa Babilonia na siyang sumakop sa maraming bansa kabilang na ang bayan ng Diyos.

Sinabi ng Diyos dito na darating ang araw na sa kabila ng kadakilaan ng bansang ito, sila ay ibabagsak niya at ipapasakop din sa ibang bansa gaya nga ng ginawa din nila sa iba.

Aanihin nila ang lahat ng ginawa nilang masama, at ito nga ay paghihiganti ng Diyos sa mga naapi bilang pagpapakita ng kanyang katarungan para sa lahat.

Kaya naman mga kapatid, huwag kang magpadala sa anumang uri ng katanyagan o huwag mong ipagyabang ang iyong kalakasan. At huwag kang mang-aapi ng iyong kapwa kahit sa anumang uri ng paraan!

Dahil gaya ng sinasabi sa kasulatan;
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.” (Mateo 7:12)

Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi.  Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao! (Salmo 82:3‭-‬4)

Sikapin nating maging maibigin sa ating kapwa sa bawat araw at umiwas sa anumang uri ng panlalamang, pang-aapi o panghahamak. Magmahalan tayo, at huwag umayon sa takbo ng sanlibutan!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon