"Gaano ka kalapit sa Diyos?"

9 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 13:1-11

Verse for the day:
Jeremias 13:11
Kung papaano sanang ang sinturon ay nakakapit nang mahigpit sa baywang ng tao, nais ko rin sanang ang lahat ng mamamayan ng Israel at Juda ay kumapit nang mahigpit sa akin. Hinirang ko sila para papurihan nila ako at parangalan, pero ayaw nilang makinig sa akin. Ako, ang Panginoon , ang nagsasabi nito.”

"Gaano ka kalapit sa Diyos?"

Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay sigurado at hindi magmamaliw, kaya ito ang tanong; Ano naman ang estado ng pag-ibig ng tao sa Diyos?

Sa kapitulong ito ay inutusan ng Panginoon si Jeremias na bumili at magsuot ng sinturong gawa sa telang linen, at pagkatapos suotin ay ilagak din ito sa isang partikular na lugar na sinabi din ng Panginoon.

Pagkatapos sundin si Jeremias ang lahat ng ito ay muli siyang pinabalik ng Diyos sa lugar kung saan niya iniwan ang sinturong minsan niyang sinuot, at nakita niya itong sira na, kaya naman siya ay nagtanong sa Diyos kung ano ang ibig sabihin nito.

Sinagot naman siya ng Diyos at ipinaliwanag sakanya na ang sinturon ay kumakatawan sa Israel at Juda na kung dati ay sobra ang higpit nang kanilang pagkapit sa Diyos pero di naglaon ay lumayo din naman sakanya.

Pinakita lang ng Diyos kay Jeremias kung ano ang saloobin niya sa ginagawa ng kanyang bayan. At sa parte natin, maari din tayong makapagsiyasat ng ating mga sarili.
Tayo ba ay katulad ng nangyari sa bayan ng Diyos? Kung saan ay mga taong dating grabe kung umakap o lumapit sa Diyos pero dahil sa iba't ibang kadahilanan tayo nga ay lumayo sakanya.

Mga kapatid, ito ay hindi dapat mangyari, dahil naniniwala akong sapat ang pag-ibig ng Diyos sa atin upang tayo nga din ay maka-ibig din Sakanya ng tapat.

Kung ikaw man ay nanlalamig o napapalayo Sakanya, dinggin mo ang Kanyang mga panawagan at bigyang pansin ang Kanyang mga kaway! Manumbalik ka sa Diyos at muling umakap Sakanya na wari baga'y isang sinturon na nakabit sa baywang.

Ibalik mo ang iyong unang pag-ibig sa Diyos.

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon