"Do not be deceived [Live truthfully]"

8 0 0
                                    

Kindly read: Jeremias 11:1-17

Verse for the day:
Jeremias 11:15
Gumawa ng maraming kasamaan ang mga mamamayan na minamahal ko. Wala silang karapatang pumunta sa templo ko. Hindi mapipigilan ng mga handog nila ang kaparusahang darating sa kanila. Tuwang-tuwa pa sila sa paggawa ng masama.”

"Do not be deceived [Live truthfully]"

Ang pagsisisi ay hindi maaring isantabi at palitan lamang ng mga handog, dahil aanhin nga ba ang mga handog kung hindi naman nagnanasang magbago ng buhay ang isang tao?

At iyan nga ang tinalakay sa kapitulong ito. Muling ipinahayag ng Diyos ang Kanyang galit at ang kaparusahang darating sa Kanyang bayan dahil sa katigasan ng kanilang mga ulo.

Naghahandog nga sila sa Diyos, pero masaya naman silang gumagawa ng kasamaan.
At hindi lang iyon, kasabay ng kanilang paghahandog sa Diyos ay naghahandog din sila Sakanilang mga dios-diosan.

Ang mga handog na tinutukoy dito ay hindi lang basta-basta, dahil ito ay mga alagang hayop nila na pinalaki at pinili ng husto para talaga sa paghahandog sa mga altar.

Kaya kung pag-iisipang mabuti, para nilang dinadaya o niloloko lang ang kanilang mga sarili, dahil naghahandog sila sa Diyos para makapanumbalik Sakanya, pero hindi nila mabitawan ang kanilang mga masasamang gawain na siyang dapat na ginagawa talaga ng taong taos sa puso ang panunumbalik sa Diyos.

Isa ito sa mga pandaraya ng kaaway [o ni Satanas] magpahanggang ngayon! Tinutukso Niya ang tao na magkasala, pero hindi Niya ito lubos na hinihikayat na lumabas sa kaharian ng Diyos, sa halip ay hinahayaan lamang niya itong magmukhang nasa Diyos at ginagawa ang mga maka-Diyos na gawain pero kasabay nito ay nananatili paring makamundo ang pamumuhay.

Mga kapatid, ito ay hindi dapat!
Huwag tayong magpadaya sa mga pakana ng diyablo!

Follow God wholeheartedly!

Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows. Whoever sows to please their flesh, from the flesh will reap destruction; whoever sows to please the Spirit, from the Spirit will reap eternal life.(Galatians 6:7‭-‬8)

Kaya naman, tanggapin natin ang katotohanang ito ng tayo nga ay lumaya!

All glory to God!

Book of Jeremiah (Devotional guide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon