11

117 11 1
                                    

Chapter 11

"Ayon. Ex naman pala ang tinitignan." Ani ni Meg.

Mabilis kong inalis ang tingin ko sa babaeng sinasabi nilang ex ni Liam.

'Yun naman pala ang tinitignan e. But I don't understand.. I don't understand.. bakit ganto 'yung feeling?

Oh no.. no, Lorin.

But there was a part of me that disappointed. Hindi naman dapat 'di ba? Well. I don't give a fuck with him and he's ex. I don't care.

"Andiyan na si clint, 'te! Tignan mo nga maayos ba 'tong kilay ko? Itong eye shadow ko? Itong eye liner?" Aligaga ang babae na ayusin ang sarili ng pumasok ang isang lalaki sa loob ng court.

Naka jersey din ito at sa tingin koy kalaban nila Liam.

18, Pascual. Ang nakasulat sa likod na 'Tall and Fair' ang pangalan ng kanilang grupo.

Hindi ko ikakaila na may itsura ang lalaking kakapasok lamang. Mula sa maamo nitong mukha at pulang labi, pati ang matangos na ilong.

Cool.. he's handsome. Ngunit kahit na ganun siya kaguwapo ay talagang umaangat ang itsura ni Liam na seryosong nakikinig sa coach nila.

Wow.. lahat ng mga kalahok ay may itsura.

"Lorin, look at that guy." Ituro ni Jas ang lalaking Clint ang pangalan base sa narinig ko kanina sa mga babae sa likod.

"He's handsome right?" She asked.

"Tall and fair yet handsome." Sagot ko ngunit pabulong.

"Right? He is. He's Ck. Pinsan ni Kevis." Ani ni jas.

"I see." Ani ko.

Speaking of Kevis. Kalaban siya ng grupo ni Liam. That means, kevin's group is Tall and Fair. Kasama ang nagngangalang Clint, na pinsan niya raw.

"The game will start in 5 minutes," Anunsyo nila.

"Grabe, bella. Ang handsome ng ex mo, huh?" Rinig ko na bulong sa likod ko.

The girl in our back named Bella was Liam's ex. A'yon sa pagkakarinig ko.

Malakas na naghiyawan ang mga kababaihan sa court nang magsimula ang laban.

Hawak ni Kevis ang bola na ipapasa sana kay Clint nang biglang maagaw ito ni Yuan, ang kaibigan nila. Nang maagaw ni Tu ay agad na tumira ng tres ngunit hindi napasok.

Agad namang nasalo ni Liam ang bola at agad na naipasok ito.

"That's my baby!" Sigaw ng babae sa likod namin.

"Baby, ulol. Ex mo na 'yan," Bulong ni Meg.

Nang mag time out ay kanya kanyang kalasan ang mga babae at nagsipunta sa mga boyfriends ata nila.

"This is boring, jas," Bulong ko kay Jas na nakatingin kay Yuan. Ang ex niya.

"Jas, do you still love your ex—"

"Shut up." Ani ni Jas sa 'kin. Napatingin ako sa Ex niya na pinupunasan ng babae.

Jas is jealous, gosh. Kung ako 'yan hinataw ko na 'yung babae.

Gusto ko na sanang umuwi kaso mas pinili ko na lang mag stay dahil baka totoo 'yung sinabi nila. Nako! 'Wag na lang!

"3 Points from Pascual!" Sigaw ng lalaki nang makashoot 'yung Clint.

Masyadong mainit ang laban dahil sa tie sila, ilang oras na lang din ang natitira.

"Another 3 Points from Villafuerte!" My mouth formed an "o" when Liam's get 3 points.

She Was A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon