16

114 10 2
                                    

Chapter 16


Sinundan ko lamang si Liam na naglalakad papalabas. Ang iba'y lasing na at wasted na. Gosh. I miss what they are feeling right now!

"Liam, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

Naglalakad pa rin kami, malaki ang bahay nila Yuan kaya't mahaba pa ang lalakarin para makalabas.

"Somewhere fun." Aniya.

Sumunod lang ako sa kanya. Bored na 'ko sa loob talaga. At sabi ni Liam pupunta raw kami sa somewhere fan na sinasabi niya.

"Liam!" Kapwa kami ni Liam napatingin sa likod nang sumigaw si Bella.

Mabilis siyang lumapit kay Liam at hinawakan ang kamay ni Liam.

Malapit na kami sa gate nila Yuan at madilim na rito.

Walang tao kung hindi kaming tatlo. Malayo ang distansya ko sa kanilang dalawa pero sapat para marinig ko ang sinasabi ni Bella kay Liam.

Hinawakan ni Bella ang dalawang kamay ni Liam.

"Liam.. please. Talk to me.." Bakas sa boses ni Bella ang pagmamakaawa para kausapin siya ni Bella.

I suddenly felt awkward. Paano namang hindi? Kami lang dito 'tapos may ganito!

"Can you give us space?" Napatingin ako kay Bella nang lumingon siya sa 'kin at magsalita.

Mahinhin pero nakataas ang kilay niyang sinabi.

"Y-ye-"

"No. Stay there, Lorin." Pinutol ni Liam ang sagot ko.

Marahas na bumuntong hininga si Bella.

"What do you want to talk about?" Seryoso ang tinig ni Liam tsaka tinanggal ang kamay na hawak ni Bella.

"I want us two to just talk, Li! Can she please give us space?" Si Bella.

"Is that really important, Bella?" Si Liam na naiinis ang tono.

"Yes." Sabi ni Bella.

Lumapit sa 'kin si Liam.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wait for me here. Don't go anywhere." Aniya sa seryosong boses tsaka umalis sa harap ko. Sinundan naman siya ni Bella.

What the fuck?!

He leave me here!?

Hindi ko alam pero inis ang nararamdaman ko nang iwan niya 'ko sa madiIim na lugar dito.

How can he?!

Akala ko ba ay aalis kami?!

"Hey there.." Napatingin ako sa likod ko nang makita si Alyana na nakapulupot ang dalawang braso na nasa kanyang dib-dib.

Kasama niya ay ang apat na babae.

"I am Alyana Vista." Aniya.

I want to laugh. I didn't even ask what is her name.

"I didn't ask," Simple kong sagot.

I am not done with you, Alyana bitch.

"Well. If you don't know. Bella? Bella Vista is my cousin." Aniya sa akin.

So, the girl named is Bella Vista? And pinsan niya 'tong Alyana. Tsk.

"Okay?" Ani ko.

"She's so ugly as fuck." Natatawa na sabi ng isang babae.

"Yes. Ewan ko nga e. Ginayuma ata nito si Liam," Sabi ng isa.

"And her dress look so ugly!" Sabi naman ng isang babae.

She Was A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon