35

65 8 0
                                    

Chapter 35



Napako ang tingin ko kay Jasmine. She is my sister? How come..

"Pero kinuha siya ni Amanda sa atin, kinuha siya ni Amanda sa 'kin..I knew it, alam ko na noon na kambal anak ko Geo! Alam kong dalawa ang sinilang ko! Alam kong buhay ang isa kong anak! Pero hindi ka naniwala sa 'kin, Geo! Mas naniwala ka kay Amanda!" napatingin ako kay Mommy nang sumigaw siya kay Daddy.

"Isn't it great, Laura? Napaniwala ko si Kuya na namatay ang isa niyong anak?" napatingin ako kay Amanda.

She lied...hindi niya anak si Jasmine dahil anak siya ni Mommy.. kapatid ko siya. Nagsinungaling si Tita Amanda nang sabihin niyang namatay ang kambal ko..

I remembered before..Mommy told me that I have a twin but she died. I didn't know that it is Jasmine. Kaya pala ay parehas kami ng kaarawan...we are in the same age..dahil siya ang kambal ko na akala kong patay na..

"Mga tanga kayo..buti na lang ay nauto ko kayo. Hindi mo ba nahalata, Laura? Nang gabing nanganak ka ay nasa hospital ako? Ngunit nang umuwi ka ay may dala na akong bata?" tumawa nang nakakaloko si Amanda habang nakatingin kay Jasmine.

Umiiyak lang si Jasmine habang nakaupo at nakadukdok ang ulo. My poor sister..

"Walang hiya ka talaga! Pati mga bata ay idadamay mo! Sana ay hindi ka na lang nabuhay! Sana namatay ka na lang—"

Halos mapatalon ako sa gulat nang magpaputok si Amanda malapit sa pwesto ni Mommy. Mabilis akong napatingin kung natamaan si Mommy ngunit wala. Shit..

Talagang papatay si Amanda ng tao. Wala na siyang paki-alam!

"TAMA NA!" Lahat kami ay napatingin kay Jasmine nang malakas siyang sumigaw.

Nakahawak ito sa magkabilang tenga na tila may iniinda.

"Jasmine!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi parang hindi niya 'ko narinig.

"A-ayoko na..t-tama na 'to! Tama na!" napatingin ako sa kanya.

She is weird.. nakahawak siya sa magkabilang tenga na parang may naririnig siya na hindi namin naririnig.


Jasmine's Point of View

Tw: Abuse

Mom..can you eat atleast?" napatingin siya sa akin nang masama. Nanginginig pa ang boses ko nang lumapit sa kanya.

"Fuck her. She's stealing my spot! I'm gonna kill him!" hindi ko alam kung anong sinasabi ni Mommy ngunit palagi na lang siyang ganyan.

I don't know who is she referring to. Wala akong lakas na tanungin siya dahil alam kung sa huli ay masasaktan niya 'ko.

"Putangina! Sabi ko hindi kita anak! Huwag mo ako tawaging mommy! Bwisit ka!" napahagulgol ako nang malakas akong itulak ni Mommy sa sahig.

I don't know why is she always telling that i am not her child, and the next time telling me that i am. Naguguluhan ako, palagi niya na lang ako sinaksaktan kapag wala si Daddy, she’s hurting me, and screaming that i am not her child.

Hindi naman ako naniniwala sa kanya dahil sa mga susunod na araw ay sinasabi niyang hindi totoo ang sinasabi niya. Gaya ng sabi niya ay naniwala ako sa kanya.

"Hindi kita anak!" malakas akong umiyak nang itulak niya 'ko sa pinto.

"Amanda! Stop hurting our child!" sumigaw si Daddy sa kanya at inilayo ako.

She Was A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon