Chapter 42
Parang bumagal ang paghinga ko nang marinig ang sinabi niya. Buti na lang ay nasa harap na kami ng bahay nila ate jasmine kaya agad na rin akong bumaba dala si Andra.
"Kamusta date?"
Parang may kung anong umusok sa akin sa sinabi ni Ate Jasmine. "Date!? Anong date!?" asik ko.
"I mean..how's your day with Liam?"
Suminghap ako pagkatapos ay tumitig sa kaniya nang mariin. "How did you know that we are with Liam?" tanong ko.
Hindi ko pa naman sinasabi kaya paano niya nalamang kasama ko si Liam? And Andra is asleep hindi niya rin 'yon nasabi so why?
Nang makita ko ang pag ngiwi ni ate Jasmine ay agad ko siyang sininghalan. "Don't tell me..sinabi mo kay Liam na pupunta kaming Mall?"
Nang tumango siya ay agad kong nakompirma na sinabi niya kay Liam na pupunta kami ng mall ni Andra kaya sumunod siya. With his damn suit!? Siguro nasa trabaho siya tapos pumunta talaga siya sa mall. That guy is freaking weird!
Lalabas na sana ako para umuwi nang makita si Liam sa labas nila ate jasmine. Prente siyang nakasandal sa kaniyang kotse habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa.
Ano paring ginagawa niya rito bakit hindi parin siya umuuwi?
Nang makita niya akong lumabas ay lumapit siya sa 'kin.
"I'll take you home," he uttered.
What? So, hinintay niya 'ko para ihatid umuwi? Is he crazy?
"No. Magc-commute ako," ani ko tsaka handa nang umalis ngunit hinigit nito ang bisig ko.
Napatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak sa bisig ko. Tinignan ko siya nang naguguluhang tingin.
"Liam didn't you hear me?" i sarcastically asked.
"I'll take you home. Just hop in, can you?" He insisted and let my hand. His words are sound annoyed. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito?
Napatingin ako kay ate jasmine nang lumabas ito. "Ano ka ba Ayasa Lorin? Pumasok ka na, iuuwi ka niya," nang sabihin 'yon ni ate Jasmine ay inirapan ko siya.
"I can manage to take myself home," sagot ko.
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Ate Jasmine ang kamay ko at hilain malapit sa sasakyan. Liam open the door for me and them ate jas makes me hop in sa pamamagitan ng malakas na kamay nito.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay. Ang kulit naman kasi ni ate jasmine at liam.
Nakita ko ang ngiti ni Liam kay ate jasmine tsaka siya pumasok sa kotse.
"I told you, I can manage." ani ko.
Hindi ako pinansin ni Liam tsaka siya nagdrive.
"Saan kita ibaba?" maya-maya ay nagsalita siya habang nakatingin sa rare mirror ng sasakyan.
Sakto namang nag text sa 'kin si Andrew kung saan kami magkikita kaya ayon ang sinabi ko.
"Sa casa de amor, kanan," sagot ko.
"That's a restaurant," he said. Hindi ko siya pinansin tsaka nagtipa ng text message kay Andrew na papunta na 'ko.
"Are you hungry?" he asked. Umiling ako tsaka nagtipa ulit sa phone ko. Andrew is texting me about things kaya nireplyan ko na lang na sa resto na lang kami mag-usap.
"Who are you texting to?" nang marinig ang tanong ng lalaki ay agad kong ipinasok ang phone sa bag ko.
"It's nothing, just keep driving, can you?" ginaya ko ang sinabi niya kanina.
BINABASA MO ANG
She Was A Nerd
RomanceNERD SERIES #3 Ang Maldita at Spoiled Brat na si Ayasa Lorin Parreña ay mapapasubok bilang isang Probinsiyanang Nerd. Lumaking ang tanawin na nakikita ni Ayasa ay panay nagtataasan na building, street lights, magbabago lahat 'yon nang ipunta siya ng...