21

116 9 0
                                    

Chapter 21

No...Ayasa! Kailangan mong pumunta ron. I keep convincing myself.

Huminga ako nang malalim at nagpasyang pumunta na ron nang may humawak sa braso ko.

"Miss? Mag-isa ka?" Biglang may lumapit sa’kin na lalaking kasing-edad din naman pero mukha ‘tong masamang tao. Nakita ko na siya sa court noon..pero hindi ko matandaan ang pangalan.

"Hindi." Masungit na sabi ko at inalis ang kamay niya sa braso ko.

"Ganda pala ng kutis mo? Mukha mo lang talaga hindi." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Bastos 'to!

"Can you please leave? Hindi ka naman guwapo!" Asik ko.

"Sama ka sa table namin, dun oh!" Tinuro niya ang table sa dulo na may tatlo pang lalaking nags-smoke.

"E, bakit hindi ka pumunta? Nandadamay ka pa," Asik ko.

Ngumiting aso ito sa’kin at aakbayan sana ako nang may humawak sa braso nito.

"Aldus, did you fucking know what you're doing?" Napatingin ako kay Liam nang makitang hawak niya ang braso ng lalaki. Aldus. Matalim din ang titig nito sa lalaki.

Anong ginagawa niya rito? Tapos na ba siya makipaglandian?

"Liam, s-sorry." Natatakot ang boses nang lalaki.

"Say sorry and fix yourself, Aldus. Kung ayaw mong—" Hindi niya na tinuloy ang sasabihin nang biglang may lumapit sa’min na lalaki.

"Ayasa Lorin?" Naniningkit na mata ni Clint, pinsan ni Kevis na nakita ko sa court ang nagtanong ng pangalan ko.

Nakasuot ito ng simpleng T-Shirt at kaki short. May itsura.

"Y-yes?" Ani ko.

"What happened, Liam? Aldus? Anong nangyari?" Tanong nito.

"W-wala akong ginawa, Clint." Sabi nung Aldus.

Hindi ko mapigilan ang umirap sa sinabi niya.

"Anong ginawa n’ya sa’yo?" Tanong ni Liam sa’kin.

"Sumama raw ako sa table nila," Honest kong sagot.

Liam put his tongue on the inside of his cheek and deeply breath.

"Take back to our table, Lorin." Humarap ito sa’kin at matalim na tumitig kay Aldus.

"Yeah, right. Punish him, Li." Natatawa na sabi ni Clint.

"Nice to meet you, Lorin. I'm going," Sabi ni Clint sa’kin.

"Balik ka na ron," Sabi ni Liam.

"Saan ka?" Tanong ko.

"I'll be back." Biglang dumagundong ang dib dib ko sinabi niya.

Bumalik na ‘ko sa upuan at lumingon kila Liam. Nakita ko na hinawakan nito ang likod ng damit ni Aldus at tsaka sila lumabas.

Ano namang gagawin niya? Tsk. Ininom ko na lang ang beer ko at hinintay siya.

"Where's Liam?" Tanong ni Jas sa’kin.

"Hindi ko alam," Ani ko.

Napairap ako nang makitang nilalandi ito ni Yuan. Napatingin ako kay Kevis nang makitang ngumi-ngiti ito sa babaeng katabi niyang hindi ko alam kung sino.

Joms and Kin are also with girls. Lahat sila’y may katabing babae. Si Meg naman ay naglalaro lang sa phone niya habang umiinom ng beer.

Napatingin ako sa ibang mga tao. They are all drunk, nagsasayawan na sila. How i love parties.

Ilang minuto na rin pero hindi pa dumarating si Liam. Tingin ako nang tingin sa Entrance kaso walang Liam ang lumalabas doon.

Shit. Baka sinaktan nun si Aldus at 'yung mga kaibigan ni Aldus ay sinaktan siya.

Tumingin ako sa table kung saan nakaupo kanina ang mga kaibigan ni Aldus pero wala na 'to doon.

Shit, Liam!

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala talaga siya. Kalahating oras na siyang wala, nag-uumpisa na 'kong kabahan.

Hindi kaya binugbog nila si Liam? Shit! I need to find him!

Tumayo ako para hanapin siya.

"San ka?" Tanong ni Meg.

"Cr lang," Ngumiti ito sa’kin. "Samahan kita?" Tanong n’ya.

"No, Meg. Ako na lang," I smiled.

Lumabas ako sa labas para tignan siya. Pero wala namang tao, panay kotse lang ang nakikita ko. Pumunta rin ako sa gilid ng Bar dahil may papunta roon pero wala.

Shit!

"Kawawa nga 'yung lalaki, kawawa e. Hays." Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang marinig ang sinabi ng isang lalaki nakatambay sa harap ng Entrance.

Shit, Liam! Anong nangyari sa’yo! Shit! Wala rin akong contact niya!

"Kuya...sino ‘yung sinasabi n’yong nabugbog?" Tanong ko.

"Hindi ko kilala ‘yon e, pero may itsura at matangkad," Aniya.

Halos maiyak ako sa sinabi ng lalaki. So, it was him... matangkad at may itsura si Liam!

At siya nga ‘yon!

God...Liam! Bakit mo pa kasi sila sinundan?

"N-nasaan po ‘yung nabugbog?" Tanong ko.

"Kinuha na ng ambulance, e." Nanginig ang tuhod ko sa sinabi n’ya.

Fuck, Liam! Babalik ka sabi mo! Bakit...

Napa-upo ako dahil sa nanginginig na ang tuhod ko. I want to cry! Sobrang nag-aalala ako. Dahil kasi sa’kin kung bakit siya napahamak!

Oh no...kasalanan ko.

"Lorin?" Nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ang boses na ‘yon. Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko para makita ‘yon.

"Liam!" Mabilis ko itong niyakap. I also closed my eyes. Fuck. I am worried, kinabahan ako!

Fuck! Nag-alala ako nang sobra dahil sa kanya. Akala ko siya ‘yung nabugbog!

"Lorin.."

Idinilat ko ang mata ko tsaka narealize ang ginawa ko.

Mabilis akong kumalas sa pagkayakap sa kanya.

Oh no! I hugged him...fuck!

"S-sorry..Liam. Sorry," Nahihiya na sabi ko.

Fuck! Niyakap ko siya! Baka kung anong isipin n'ya! I'm just worried!

Ngumiti ito sa’kin at inilagay sa likod ng tenga ko ang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko.

"Did I make you worry?" Tanong nito sa matamis na pagkabigkas.

Sobra.

"Y-yes...hindi ka na kasi bumalik.. Kaya akala ko may nangyari na sa’yo." I can't look at his eyes.


"I'm sorry, then. I won't do that again. My bad, baby." He whispered and hugged me.


She Was A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon