04

262 16 0
                                    

Chapter 4

"Let's go." Sabi ni Jas.

Nakasuot na ako ng pang nerd na mga kagamitan. At ito papasok na naman kami.

Nakakairita si Mom and Dad, tumatawag talaga sila palagi para itanong o masiguro na ginagawa ko ang pinapagawa nila.

"Hi!" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang umakbay sa 'kin at kay jas si Kev.

Inis kung tinanggal 'yung kamay niya.

"May ugali talaga 'tong pinsan mo, 'no?" Sabi niya kay jas.

"Excuse me?! I heard you!" Asik ko.

"Ako din." Sabi niya.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko. Sumabit baga. Agad kung tinignan kung sino 'yon.

"Nice eyebrow, Lorin." Sabi ni Meg.

Hindi ko na tinanggal 'yung pagkakasabit ng kamay niya sa 'kin. I don't don't why.

Pero magaan ang pakiramdam ko sa kanya. She got a vibe that I wanted to be friends with.

"Anjan na 'yung malandi."

"Lakas ng loob, pumasok pa, hahahaha."

"Anong kilay ba 'yan?! Napakapangit!"

"Manang, hahahaha!"

Agad na narinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante ng pumasok na ako sa campus.

"Bulong bulong n'yo jan?!" Biglang asik ni Meg dun sa mga nagbubulungan.

"Wala, ssob!" Sigaw nung isang lalaki kay Meg.

"Lorin, kuhain na natin 'yung ID mo sa deans office." Sabi ni Jas.

Tumingin ako sa orasan.

"Ako na lang. Baka malate ka." Sabi ko sa kanya.

"It's okay. Let's go together—"

"Come on, jas. Na-late na tayo kahapon, oh. Ako, okay lang na ma-late dahil may dahilan ako pero ikaw, wala." Ani ko.

"Tsk! Fine!" Asik niya 'tapos umalis na.

Agad akong tumungo sa deans room. Mabuti na lang at wala nang mga estudyante sa hallway. Lahat ata ay nasa klase na.

Kakatok na sana ako sa deans room nang may marinig akong nag-uusap dun.

"Bakit kasi hindi mo na lang sundin kung anong gusto ko nang sa ganun ay maging maayos ang lahat?! Huh?!"

"Bakit ba kasi kayo ang magdedesisyon sa buhay ko?! Bakit hindi n'yo na lang ako hayaan?!" Asik ng lalaki.

Nag-aaway ata sila. Hindi ko naman alam kung sino 'yung sumisigaw. Pero parang ang bastos naman niya ata. Sinisigawan niya 'yung Dean.

So disrespectful. I will never do that to mom and dad. Never.

Aaminin ko. Sometime, I raised my voice with them. But after that, nagso-sorry naman ako.

"Gusto ko lang maging maayos 'yang buhay mo! Ginagawa ko 'to para sa 'yo—"

"No. Ginagawa mo 'to dahil sa gusto mong mas umangat!"

Nakagat ko ang labi ko ng may marinig ako na parang sinampal.

Tsk, tsk. Nasampal ata 'yung sumigaw. Bastos naman kasi.

Biglang nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto at iluwa  nun ang lalaking..

She Was A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon