Chapter 28
"Saan ba ang gusto mo?" Liam asked while holding my hand.
Napagdesisyonan namin na mag try ng iba’t ibang games na hinanda ng mga estudyante ng Karaña.
Ubos na kasi ang cupcakes namin kaya pwede na. Ewan ko ba kay Liam kung bakit umalis sa stall nila e hindi pa naman ata sila tapos.
"Kahit saan, Liam." Sagot ko.
I looked at him when i realized that he's not wearing the headband. ‘Yung suot niya kanina.
"Bakit hindi mo na suot ‘yung hairband at ponytail?" Tanong ko, trying not to laugh.
"Fuck. Huwag mo na ipaalala. I look so stupid!" Aniya sa sarili na parang frustrated.
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. He's so cute..
"Dito tayo!" Masaya kong hinila si Liam sa horror booth.
"Hi! Gusto naming i-try" Ani ko sa lalaking nasa harap.
"Uy!? Holding hands?" Malawak na ngumiti ang isang lalaki habang nakatingin sa kamay namin ni Liam na magkahawak.
"Villafuerte, girlfriend mo?" May isa pang lalaki ang pumunta at nagtanong.
"Yeah." Liam simply answered.
"'Yun oh! Bagay kayo!" Kantyaw nilang dalawa.
Ngumiti naman ako sa kanila. Habang si Liam ay blanko ang expression.
"Ready ka na?" Tanong ko kay Liam. He didn't answer instead he just hold my hand and intertwined it.
Pumasok kami ni Liam sa horror booth, may kasabay din kaming mga ibang students pero pinauna na namin sila ni Liam.
Pagpasok namin ay agad na dumilim ang paligid. Naramdaman ko na mas lalong lumapit sa’kin si Liam nang magsigawan na ang mga tao sa loob.
"Ah!" Napapikit ako nang biglang may nanggulat sa’kin na nakamask ito.
"Hey!" Pinigilan ko si Liam nang susugudin niya ‘yun.
"Liam! Baliw ka!" Asik ko.
"Sorry baby, tinatakot ka kasi niya," He whispered.
"Liam, nasa horror booth tayo!" Asik ko.
"Okay baby. My bad," He whispered again.
Napailing na lang ako sa kagaguhan ni Liam. Susugudin ba naman 'yung nanggulat sa'kin dahil tinatakot daw ako e nasa horror booth kami!
May mga kung ano-anong customes ang mga nagpapakita sa’min, natatakot lang talaga ako kapag lumalakas ang sounds tsaka kapag sumisigaw ‘yung mga kababaihan. Pero hindi talaga ‘ko natatakot, I'm with Liam..so bakit?
Looking at Liam..
He didn't even scared! Parang sinamahan niya lang talaga ‘ko rito dahil sa gusto ko. Dama ko na rin ang pagkabored niya.
"AH!" Napapikit ulit ako nang may kumalabit sa likod ko. Isang white lady ito na may dugo dugo pa sa mukha.
"Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Liam. Tumingin ako nang matalim sa kanya, nang makita niyang tumingin ako sa kanya ay tumigil ito sa ginagawa.
Napakagat ako sa labi nang mamatay lahat ng ilaw sa loob. Tanging sigawan na lang at hiyawan ng mga tao ang naririnig ko.
"AHHH!" Napasigaw ako nang malakas nang may humawak sa bewang ko.
"Baby, that's me. Chill." Marahas akong bumuntong hininga nang marinig si Liam.
BINABASA MO ANG
She Was A Nerd
RomanceNERD SERIES #3 Ang Maldita at Spoiled Brat na si Ayasa Lorin Parreña ay mapapasubok bilang isang Probinsiyanang Nerd. Lumaking ang tanawin na nakikita ni Ayasa ay panay nagtataasan na building, street lights, magbabago lahat 'yon nang ipunta siya ng...