Hi, sorry po sa matagalang update. Busy lang po sa school, anyways thank you for those who waited. Here you go! Thank you!
Chapter 30
“Pwede bang papasukin mo muna kami, aya?” nang magsalita si Rin ay agad na sumilip si Jas.
“I’m sorry, pero hindi kami nagpapapasok ng strangers," Jas arched her brows to Rin.
"Excuse me? We're not strangers! I am Aya’s friend!" asik ni Rin.
Napailing na lang ako. Ano bang ginagawa nila dito?
“You‘re still pretty, aya, just like—"
"Shut up, Renz.”
Ibinaba ko ang juice sa harap ng table. I don't wanna be rude to Rin, since she’s my friend in Manila hindi pwedeng basta ko na lang siya paalisin. Kaya ito at pinapasok ko sila.
“Why are you wearing that though? May lakad ka?" tanong ni Rin sa 'kin.
"Yes, we have. Kaya mamaya rin ay sana makaalis na kayo," biglang lumabas si Jas sa kuwarto niya tsaka sinabi 'yon.
Mukhang mainit ang dugo ni Jas kay Rin at Renz, ito naman kasing magpinsan na 'to pumunta pa rito kung kailan aalis kami!
“Actually, napadaan lang kami rito, may pupuntahan din kasi kami," Ani Rin na nakatingin din kay Jas, taas ang kilay.
“Saan kayo pupunta?”
Nalaglag ang panga ko nang ibaba ni Rin ang isang sobra kung saan parehas na parehas sa sobreng binigay sa amin kanina nila Liam.
Agad kong kinuha ang sobre at napailing ako nang makitang invitation card din 'yon ng birthday ni Kin.
Shit naman! Kung minamalas ka nga naman, oh! Doon din ang punta nila!
“Kilala mo si Kin?” tanong ko kay Rin.
Pinasadahan naman niya ako ng tingin. “Yes, he's our cousin, from mother side,"
Umawang ang labi ko. Ibig sabihin pinsan din ni Renz si Kin? Oh my god.
“Actually, Rin..doon din kami pupunta," sabi ko.
“Wow! What a nice coincidence! Sabay na kaya tayo, aya?” tumayo si Renz at masayang tumingin sa 'kin.
Inirapan ko naman siya. “Hindi na kailangan," sagot ko.
He playfully smiled. "Yes, I like that, aya. Katulad ka pa rin dati, hard to get. You know that? That's what i like in you, babe,"
Inirapan ko naman siya. "Shut up!" Asik ko.
Anong akala siya babalik ako sa kanya? Nababaliw na ba ang lalaking 'to?!
“May kasabay kami kaya umalis na kayo," biglang sumingit si Jas sa usapan namin at binuksan ang pinto nang malawak, pinapalabas na ang dalawa.
Umirap naman si Rin. "I hate your cousin." bulong ni Rin sa 'kin.
Hilaw naman akong ngumiti. I feel like jas hates you too.
"See you there babe," gusto kong sipain si Renz nang kumindat 'to sa 'kin bago pumasok sa kotse niya.
"Is that your ex-boyfriend?" tanong sa 'kin ni Jas nang makaalis sila.
“Yes, gagong 'yon, ba't pa pumunta rito" asik ko.
Napaiktad ako nang makita ang nakasilip na si Kevis at Meg sa ibaba.
Kapwa sila hilaw na ngumiti nang umakyat sa taas namin.
“Sino 'yon?” tanong sa 'kin ni Meg.
BINABASA MO ANG
She Was A Nerd
RomanceNERD SERIES #3 Ang Maldita at Spoiled Brat na si Ayasa Lorin Parreña ay mapapasubok bilang isang Probinsiyanang Nerd. Lumaking ang tanawin na nakikita ni Ayasa ay panay nagtataasan na building, street lights, magbabago lahat 'yon nang ipunta siya ng...