Chapter 6
"Nothing change, anak. You're still beautiful."
Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi ni Mom. Kasulukuyan ko siyang ka-video call.
Papasok na kami ni Jas pero tumawag si Mom. Just to check, of course. Kung ginagawa ko ba daw ang trabaho ko.
"Mom! Stop lying! Ang pangit nga, e!" Asik ko.
"Si Tita.. patola!" Malakas na tawa ni Jas ang narinig ko.
Inis akong tumingin sa kanya. Kainis naman kasing kilay 'to e! Napakakapal! At itong kinginang salamin na 'to! Ang bigat! 'Tapos 'tong mga butlig sa mukha ko.
Gosh! Grabe! Nawala na 'yung magandang si Ayasa Lorin!
"Mom, where's dad? I haven't seen him yet mom. Since nung umalis ako. I already miss daddy." Sabi ko.
"Ayasa, you're dad is busy. Nandito naman si Mommy, hmm!" Ani ni Mom na parang nagtatampo.
"Jas? Does Ayasa doing great there? Sa school? Okay ba ang performance niya?" Biglang tanong ni Mom.
Pinanlakihan ko ng mata si Jas, sinasabi ko na huwag niyang sabihin 'yung mga nangyari sa 'kin sa school.
"Well, Tita..she's good at class." Ngumiti ako kay jas.
Well. She's not lying. Talagang active ako sa klase namin.
Aaminin kong I'm into tropa and walwal pero hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko 'no!
"That was good. Keep up the good job, sweet heart!" Sabi ni Mom sa 'kin.
"Sure, mom. Ikamusta niyo po ako kay Dad. Bye mom." Sabi ko at kumaway.
"Of course, sweet heart. Ingat kayo ni Jas diyan, ha?" Bilin ni Mom.
Agad kung pinatay 'yung tawag.
"Let's go?" Anyaya ni Jas.
Agad kaming lumabas.
"Ay wait!" Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo sa loob.
Ano nanamang trip ng babaeng 'yon!?
"Hi, Lorin!" Napatingin ako kay Meg. Paakyat na siya sa amin.
"Hello." Ngumiti ako.
"Buti naalala ko!" Bumalik si Jas na may hawak na na paper bag.
Hindi niya talaga nakalimutan 'yung kagabi! Ako nga nakalimutan ko na, e. Inis kung kinuha 'yung paper bag.
"Ano 'yan?" Tanong ni Meg.
"Ah, t-shirt ni Liam. 'Yung pinahiram ni Liam. Ibabalik niya." Sabi ni Jas.
"Lorin, gusto mong ako na lang magbigay? Classmate ko si Liam e."
Ngumiti ako sa kanya. At iaabot ko na sana 'to ng magsalita si Jas.
"Ganun ba? Ito oh—"
"Meg. Siya na magbigay. Kasi magpapasalamat pa siya kay liam, e." Singit ni Jas.
"Ah, oki!" Nakangiti na sabi ni Meg, 'tapos ang kamay ay nakaganito "👌"
Inis kung tinignan si Jas. Nakakainis talaga siya!
Sabay kaming tatlong pumasok sa university. At as usual, ang mga bulungan e, nandyan nanaman.
"May 10 minutes pa tayo—"
"Good Morning students of University of Karaña. There will be an announcement of amphitheatre. Your first class has cancel due to the announcement. Be there, students. Thank you."
BINABASA MO ANG
She Was A Nerd
RomanceNERD SERIES #3 Ang Maldita at Spoiled Brat na si Ayasa Lorin Parreña ay mapapasubok bilang isang Probinsiyanang Nerd. Lumaking ang tanawin na nakikita ni Ayasa ay panay nagtataasan na building, street lights, magbabago lahat 'yon nang ipunta siya ng...