/Erin's POV/
/Sa panaginip/
Sa unang pagkakataon hindi na ako bata sa panaginip ko. Kung noon ay pinapanood ko ang maliit na ako kasama ang batang Kenso ngayon ay malaki na ako pero si Kenso bata padin.
"Kamusta ka?" Tanong sa akin ng batang Kenso.
Nakangiti akong sumagot. "Nahanap na kita."
Napangiti din siya sa balita ko pero kitang kita na malungkot siya.
"Oo nga Erin, nahanap mo na ako." Agad akong nagtaka sa sinabi niya at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.
Napaupo ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko at nahihirapan din ako huminga. Tuloy tuloy ang luha ko pero hindi ko maintindihan bakit ako umiiyak. Nasasaktan ako pero hindi ko alam bakit, may nararamdaman akong sobrang sakit sa akin pero tingin ko sa emosyon ko ito.
Nakita ko na lumapit sa akin yung batang Kenso at pinahid ang mga luha ko at nang ibinuka niya ang kanyang bibig upang magsalita nabingi ako sa aking narinig.
"Hindi mo pa ako nahahanap Erin."
~
Pagka gising ko ay nakita ko si Kenso kumakain ng mangga sa kusina naming kasama si mama. Ngumiti ako sa kanila at nagtimpla ng kape at bumalik ako sa kwarto ko. Narinig kong sinundan ako ni Kenso kaya pinapasok ko din siya sa kwarto ko.
"Good Morning Erin." Nakangiting tugon niya at inabutan ako ng mangga.
Sinuklian ko ito ng ngiti at naupo ako sa kama ko.
Hindi ko alam ikikilos ko dahil sa panaginip ko. Hindi ko ito maintindihan sigurado ako na si Kenso at yung bata sa panaginip ko. Maski si kuya Annong, yung naglilinis dito, siya mismo nagsabi sa akin na ang kababata ko ay si Kenso. Si kenso at Jr ay iisa.
"Kapag nagsimula na yung pasayaw sa barangay, isasayaw kita." Sabi ni Kenso habang pinaglalaruan ang mga stuff toy ko.
"Hindi ka pa ba pagod sumayaw?" Binaba ko ang iniinom kong kape at tinignan siya. Naka indian seat siya sa sahig at nakatingin din sa akin.
"Hindi, ikaw naman kasama ko." Sabi niya at niyakap niya yung teddy bear. Panigurado magtatagal yung amoy niya sa teddy bear. Inirapan ko na lang siya at inayos ko upo ko sa kama ko.
"Pinagsasabi mo?"
"Erin, iuuwi ko tong teddy bear na 'to." Tinuro niya yung teddy bear ko na limited edition kaya binato ko siya unan bago sumagot. Ano ba nakain nito?
"No way!"
"Salamat!" Agad siyang tumayo at dinaganan ako kaya nagtulakan kami sa kama ko at sigurado akong natadyakan ko mukha niya. Nagpagulong gulong kami sa kama hanggang sa nahulog kami parehas at masakit yung pagkabagsak ko! Nabalian ata ako.
Agad niya din akong niyakap at nakasubsob yung ulo ko sa dibdib niya. Sobrang higpit ng yakap niya at kaba ko lang siguro kung bumukas yung pinto ko at biglang pumasok si mama dito.
"Tulog na Erin, tulog na." Kinantahan pa talaga ako? Hinampas ko siya sa likod at tinawanan niya lang ako.
"Epal ka! Hindi na ako makahinga!" Niluwagan niya ang yakap sa akin at sinusuklay niya yung buhok ko. Nasa sahig padin kami at ginawa kong unan ang braso niya, kasalanan niya naman kung sakaling mamulikat siya.
"Magkikita kita ba kayo ngayon nina Leigh?" Tanong niya habang hinahampas sa akin yung teddy bear na gusto niya.
"Hindi daw, si Leigh hindi pupunta sa pasayaw-Pwede bang tigilan mo kakahampas sa akin ng teddy bear ko?! Sasampalin kita!" Singhal ko dito at inagaw ko sankanya yung teddy bear ko. Habang inaagaw ko yung teddy bear ay biglang pumasok si mama at halatang nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...