Indecisive: Bark

13 2 0
                                    

Erin's POV/

Si Kenso si Jr.

Si Kenso si Jr.

Si Kenso si Jr.

Si Kenso si Jr.

Si Kenso si Jr.

"Aaaaaaaaahhhhh! Paaaaaksheeeet!" Napasigaw ako sa sobrang inis ko. Bakit ba kasi napunta pa yan sa isip ko?

"Erin! Nagmumura ka ba?!" Agad akong umayos ng upo at sumigaw pabalik kay Mama.

"Hindi po! Sabi ko po 'Ang Init'!" Hindi na sumagot si Mama at nagpatuloy na siguro magluto.

"Ano na?!" Napasigaw ako sa inis at gumulong gulong ako sa kama ko.

Paikot ikot parin ako dahil parang nagsisabugan yung mga natitira kong brain cells. Pilit kong pinapasok sa utak ko na si Kenso at yung bata sa panaginip ko ay siya. Halata naman, halatang halata.

Wala naman akong balak na hanapin siya. Nakikita ko siya sa panaginip ko pero hindi ko alam bakit. Dapat kasi may shocking moment para naman intense yung pagkaalam ko na siya pala yung bata sa panaginip ko.

At bakit hindi ko napansin noon? Ang dami kong tanong! Hndi ko na alam uunahin ko. Nagkakagulo na lahat.

"Aaahh!! Ayaw ko na!!- ARAY!"

Hinawakan ko ang pwetan ko dahil sa sobrang sakit ng pagkalaglag ko sa kama ko. Ang sakit tuloy ng pwetan ko.

Inayos ko na lang upo ko sa sahig at nag isip ako ng pwede kong gawin dahil paniguradong mababaliw ako pag hindi ko nilibang sarili ko.

Tumitig muna ako sa kisame ng mga tatlong oras bago ko naalala na may kailangan nga akong gawin.

Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa garahe saka ko naalala na hindi pa pala ako nagpapaalam kaya bumalik ako sa loob at nagpaalam kay Mama saka bumalik sa garahe at kinuha bike ko.

"Makakalabas na din." Sabi ko at sinakyan ko na bike ko at lumabas na ako ng gate.

Ang una kong pupuntahan ay si Leigh, bukod sa siya ang pinakamalapit, may gusto din kasi akong iatnong sa kanya. Tungkol kay August, ano bang ginagawa nun dito?

Maingat akong nagbabike sa gilid ng kalsada, mahirap na at Highway toh, ang daming sasakyan na ang bibilis. Nagbabike lang ako hanggang sa nakita ko na ang kanto nina Leigh.

"Ang init naman!" Reklamo ko dahil wala atang hangin ang nagbalak dumaan dito.

Tumigil ako saglit at huminga, medyo malayo ang bahay nila sa kanto na toh. Baka mamaya lapain pa ako ng aso.

Pinasok ko ang kanto at dirediretso ako dahil pababa ito at sa gilid lang din ako dumadaan dahil may mga kotse ding pumapasok dito.

Mag mga batang naglalaro at yung iba nakita ko na noon dahil lagi akong pumupunta dito kaya pamilyar na din ako.

Tuloy tuloy ako sa pagbabike ng may makita akong tindahan kaya huminto ako saglit at bumili ng siomai.

"Ate sa siomai po, 20 pesos."

"Sige, maanghang ba?"

"Opo." Nilabas ko na pera ko at binayaran yung binili ko.

Deserve ko naman kumain tsaka gutom na talaga ako tapos layo pa ng binike ko.

Ay malapit lang pala. Maarte lang ako.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon